John - The One that got Away


Ako si John ang kwentong inyong mababasa ay mga pangyayari sa aking buhay na gusto kong ibahagi sa lahat. Sa kwentong ito'y mararamdaman niyo ang saya, lungkot, init ng katawan at mga pagsubok na pinagdadaanan natin.

Chapter 1: Fated Meeting

     Ika - 16 ng Mayo taon 2010 ng lumuwas ako ng Maynila upang dito na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Maynila ng kolehiyo. Bago ang lahat sa aking mga mata, ang traffic na di mo malaman kung kailan huhupa, ang mga ingay na galing sa mga sasakyan, ang mga pulubi na makikita mo sa lansangan na lubos talagang nakaka antig ng puso. Bagama't di ako sanay na makita ang ganito ay nakipagsapalaran ako.

Sa Quezon City ako nakahanap ng matutuluyan. Dito ako nakahanap ng lugar na sa aking mga mata'y maituturing kong sariling mansyon. Kahit na mahirap ay pinilit kong mamuhay mag-isa dito ko naransan ang lungkot na mag-isa, na mawalay sa iyong mga magulang at kaibigan na kasama mo habang sa paglaki mo. May kaibang lungkot din ang idinulot ng pag hihiwalay namin ng aking nobya, oo sa murang edad ko na disisais ay naranasan ko nang magmahal ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nasuklian.

Lumipas ang ilang linggo ay nasanay na din ako sa buhay ng isang Manilenyo. Ang tunog na maririnig mo sa labas ng iyong bakuran na mangagaling sa ingay ng tricycle, ang mga chismosang nagkukumpulan sa isawan sa may kanto kapag alas - singko na ng hapon, ang init na dulot na rin siguro ng pagka-kulang ng mga puno't halaman.

Mababalot na ng dilim ang kapaligiran ng maisipan kong mag-inom para mawala ang lumbay na akin nararamdaman, dali-dali akong nagsuot ng damit panlabas at naglakad upang bumili ng alak sa 7-11 doon sa may palengke at siyang kumaen na rin ng kaunti upang may laman ang tiyan bago mag-inom. Lagpas alas-syete na rin ng ako ay makabalik sa aking tinitirhan. Nagyosi ako saglit para bumaba ang kinaen ko kanina sa may palengke. Isinalang ko na rin ang dvd na binili ko at kumuha ng yelo mula sa refrigerator para nabili kong beer.

Hindi ko na napansin na naubos ko na ang tatlong mucho ng red horse na aking nabili, di naglaon ay natapos ko na din ang pelikulang aking pinanunuod. Sa pagka't di pa ako inaantok ay nagpatugtog ako at nagbukas ng computer habang nag-hihithit ng sigarilyo.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako ang pang karaniwang binata, naakit ako sa parehong babae at lalake gawa siguro ito noong bata pa ako ay hinawakan ng pinsan kong ang aking kalalakihan na akala ko'y normal na ginagawa ng mga magpinsan. Hangga't sa nagka isip na ako ay saka ko lamang napagtanto na hindi pala iyong ang gawain ng kapwa lalake. Kahit na ganito pa man ang nangyari sa akin ay nagawa ko parin mag mahal ng babae, sa tuwing papasok ako sa relasyon ay di ko na naiisip ang isa pang katauhan ko. Marahil minsan sumasabit sa isip ko pero mas nangingibabaw ang pagmamahal at respeto sa karelasyon ko.

Dahil wala akong nobya noong mga panahaong iyon at dala na rin at udyok ng alak ay narating ko ang isang bromance site kung saan maari kang makipagusap at magkaroon ng mga kaibigang katulad mo din ang kalagayan mong alam na hindi tama ngunit alam na hindi rin masama. Dito sa site na aking napasukan ay sari saring tao ang makakasalamuha mo, merong mga out, mga bi, at kung anu-ano pang klasipikasyon na siyang mga taong mapanghusga rin ang nagbigay.

"Tiiiing". ang tunong ng aking computer. Akala ko nung una ay kung ano nang nangyari, yun pala ay may nag message sa akin sa site na aking pinasukan.

"Goodeve pre, nabasa ko sa header mo na naghahanap ka ng tropa... Ako din kasi eh."

Yaan ang message na nakuha mula sa taong nag send sa akin. Agad kong tinignan ang profile niya. At gaya ko wala rin laman ni litrato. Dahil nga wala akong magawa ay nagreply din ako sa kanya.

"Ah ako din eh bago lang kasi ako dito sa Manila galing ako pangasinan. Meron ka bang YM. Dun na lang tayo magusap kasi mahirap dito mag chat ambagal.."

Kumuha ako ng maiinom sa kusina dahil nauuhaw na ako pagbalik ko sa harapan ng computer ay nakakuha ako ng sulat uli mula sa kanya.

"Oo nga eh hirap dito sige eto pre add mo ko."

Nagpatuloy ang pag uusap namin sa yahoo messenger. Magaan ang pakiramdam ko dito sa mokong na ito hindi ko alam bakit. Matagal kaming nag-usap. Jun pala ang kaniyang pangalan at sa matagal na kwentuhan namin ay napagalaman ko na dito rin pala siya sa Quezon City nakatira kasama ang mga magulang at kapatid niya. Di rin nagkakalayo ang edad namin. Normal na kwentuhan ng isang magbarkada, tanungan ng mga sports, hobbies, bisyo, kung ilan ang naging girlfriend at kung paano namulat ang mga mata sa mundong ito. Para bang ang tagal ko na siyang kakilala. Sa dame ng pinag usapan namin ay naubos ko pala ang sigarilyong binili ko kanina, nagpaalam ako na bibili muna ako sa may labasan ng yosi. Ako kasi yung tipo ng tao na masasabi mong chain smoker talaga, hindi makakilos ng walang yosi. Nagpaalam na ako at sinabe ko na matulog na siya dahil madaling araw na at matutulog na rin ako pagkabalik.

Pagbalik ko ay nag log in uli ako sa YM at nakita kong online pa din siya. Minessage ko siya at tinanong kung bakit andoon pa siya at biniro pa na ang dame sigurong kachat. Ngunit mali pala ako, hinintay daw niya ako para tanungin at kunin ang number ko. Binigay ko naman ito...

"0926-XXXX-XXX. Pakilala ka na lang."

Sa pangalawang pagkakataon ay muli akong nagpaalam dahil inaantok na ako. Nagpatay na ako ng computer, naghilamos at nagsepilyo para maghanda nang makatulog.

Kinabukasan ay nakatanggap nga ako ng text mula kay Jun ngunit di ako nagreply dahil hindi naman ako pala text ja tao. Noong gabing iyon din ay nagchat kami uli sa YM. Dito ko na tinanong kung pwede ko ba siya makita sa picture na siyang sinangayunan din niya dahil magaan nga din daw ang loob niya sa akin. Nagpalitan kame ng litrato. Siya ang unang nagpakita ng litrato.

"Wow gwapings ah eto sakin" ang nabigkas ko nung makita ko siya
"Haha e mas gwapo ka nga sakin eh!" ang nasabi niya noong makita niya ang litrato ko.

Mas lalo kaming nagkalapit ng loob ni Jun. Halos isang linggo na din kameng magkakilala. Nag-aaya siya mag Starbucks, magbilyar, o kahit mag meet daw sa mall libre niya ngunit tumanggi ako sa tuwing ayaw niya dahil tinatamad ako o kaya naman ay wrong timing siya at natutulog ako.

Hanggang sa isang gabi ay naisipan ko nanamang mag-inom magisa at noong medyo tinamaan ako ay nagtext ako at pinapapunta ko siya sa aking bahay. Nagreply siya at tinanong ako kung saan daw ba ako. Nang maibigay ko ang aking adress ay nagreply muli siya na papunta na raw siya.

Mga dalawampung minuto na ang nakalipas at ubos ko na muli ang alak na iniinom ko. Ang tangi kong ginagawa na lamang ay tumitig sa mga bituin habang may hawai na sigarilyo sa aking kanang kamay. Natanggal ang pagmumuni - muni ko nang tumunog ang aking telepono.

"Dito na ako sa labas ng bahay mo" ang text na natanggap ko mula sa kanya.

Bumaba ako at nakita ko nga siya sa labas ng bahay na aking tinutuluyan. Pinagbuksan ko siya nang pinto at binati. Nang masilawan siya nang ilaw sa poste ay doon ko napagmasan ang mukha ni Jun, Pilipinong pilipino ang dating niya, kayumanggi, mag pagka kulot ang buhok, mahahaba ang pilik mata, matangos ang ilong, at higit sa lahat ay maliit ang mukha. Nabighani ako sa kanya ngunit di ko ito pinakita dahil nakakahiya.

Napansin kong mayroong bitbit si Jun sa kanang kamay niya, isang bote ng Empirador lights. Umakyat na kame sa taas ng bahay ko at sa sala umupo. Nagsalang ako ng isang dvd at nagpatuloy ang kwentuhan namin. Sa bawat baso ng alak na aming iniinom ay mas madame kameng nalalaman tungkol sa isa't isa. Nangalahati na ang bote ng iniinom naming alak ay napansin kong walang buhok ang kaniyang mga binti...

"Nagwawax ka ba pre? Hahaha" ang biro ko sa kanya
"Gago haha wala talaga akong buhok diyan" ang sagot niya sa akin
"E di wala ka ding bulbol haha"
"Tarantado haha" ang sabe niya

Sa aking tanong ay di ko mawari ang nangyari sa akin at para bang gusto ko nga makita kung mayroon siya buhok sa kanyang ari. Nag-init ang buong katawan ko at kung anu-ano na ang pumapasok sa aking isip..

Kung saan-saan napunta ang usapan namin noong gabing iyon. Para talagang mayroon akong kapatid, katropa na siyang nagtanggal ng lungkot ko dahil nasa probinsya ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko akalain na makakahanap ako ng isang kaibigan tulad niya.

Maya maya pay naisip kong ilibot si Jun sa aking bahay. Ipinakita ko sa kanya ang kusina, ang kwarto ko, at ang paborito ko ang terrace na nasa loob ng kwarto ang pasukan. Natapos ang paglibot ko sa kanya sa terrace dahil iyon lang naman ang makikita sa bahay. Pumasok na kame sa kwarto para bumalik sa salas. Palabas na ako ng kwarto ng bigla kong nakita si Jun na naupo sa kama. Yinaya ko siya na bumalik na sa sala ng bigla niyang hinatak yung kamay ko at sinungaban ng labi niya....

"Ang bagal mo eh". Yaan ang mga katagang sinabi niya sa akin at sabay lapat muli nang kaniyang mga labi. Dahil dito ay nilabas ko ang dila ko at ipinasak sa kanyang bibig. Ang sarap halikan ni Jun, napaka lambot ng kanyang mga labi. Binuksan ko saglit ang aking mga mata at nakita ko siyang nakapikit at tila sarap na sarap sa halikang ginagawa namin. Noong nakita ko siyang nakapikit ay mas lalong nag init ang katawan ko at sinumulan kong halikan ang kaliwang tenga niya habang hawak ng dalawang kamay ko ang buhok niya at pinaglalaruan. Dinidilaan ko papalit palit ang tenga niya pababa sa leeg at muling babalik sa kanyang napakagandang labi.

"AAAAAAHHHHH shit ang galing mo humalik John"

Dahil sa narinig ko ay tinanggal ko ang T-shirt na suot niya at hinubad rin niya ang suot kong sando. Hinalikan ko muli ang leeg niya ngunit ngayon ay bumababa na ito sa kanyang balikan. Itinataas ko ang kanyang mga kamay at dinidilaan ang balat malapit sa kanyang kilikili hangganh marating ko ang kanyang kanang utong. Dinidilaan ko ito na para bang sanggol sa sabik dumede sa kanyang nanay. Lalo ko pang pinagbutihan sa mga hiyaw ng sarap na nararamdaman ni Jun. Tigas na tigas ang sandata ko ng mga panahong iyon dahil sa bruskong boses na hiyaw niya...

"aaaaahhhh aaAAAAHHHh shit ang sarap" habang tumatagal ay palakas ng palakas ang sigaw na pinakawalan niya. Habang sinusoso ko ay pinapadila ko  sa kanya ang kanang hintututro ko habang kinakapa ng kaliwang kamay ang buong pagkalalaki niya.

Hiniga ako ni Jun at siya naman ang kumilos. Hindi siya nag pahuli sa mga ginagawa ko sa kanya kanina. Hinalikan niya ako at kinagat ang babang bahagi ng labi ko sabay sipsip at pababa sa aking mga leeg

Napahiyaw ako ng "SHIT TANGINA ANG GAlING MO!!!"

Bumaba sa aking utong ang dila niya. Pababa ng pababa ang dila niyang basang basa sa laway hanggang umabot ito sa akin puson na talagang nagpalibog sa akin. Habang abala ang dila niya sa aking puson ay binababa ng kamay niya ang aking saluwal na suot. Tumigil kami sandali para maabot din nang aking kamay ang kanyang maong pants para mahubad ko din ito.

Sa mga panahong ito ay naghalikang kami muli tanging puting brief na lamang kami pareho ngayon bumaba uli siya dahan dahan at hinahalikan ang aking brief at binabasa niya ito. Ang init ang sarap, bitin na bitin na ako sa ginagawa sa akin ni Jun ngunit patuloy pa din siya sa pagbitin sa akin. Inaangat ng dila niya ang brief ko at tumatama bahagya ang kanyang dila sa aking ari. Hindi ko na kinakaya ang ginagawa niya sa akin halos mabaliw ako sa mga nangyayare.

"Please isubo mo na pleaseeeee."

Hinubad niya na ang brief na suot ko. Pinaglalaruan ng kamay niya ang aking ari habang dinidilaan ang ulo nito. Maya maya pa ay isinubo niya ito ng mabagal. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang bibig na basang basa sa laway. Isubo niya ito habang pinaglalaruan ng kamay niya ang itlog ko.

Shiiiiit ang saraaaap aahhh ahhh aaaahhh ang galing mo!

Tigas na tigas na ang ari ko nuon sa ginagawa niya at sa mga nasambit ng aking labi ay mas lalo pang ginaling ang pagkain sa aking ari. Kung minsan ay hinahawakan ko pa ung ulo niya para ma subo niya ng lubos. Inaangat ko siya at hinalikan muli habang abala ang aming mga kamay sa pag hawak sa mga ari namin. Hawak niya ang sa akin at hawak ko din ang sa kanya. Habang nagpapalitan kami ng laway ay sarap na sarap kaming pareho.

Sa nais kong ibalik ang pabor na ginawa niya sa akin ay isinandal ko siya sa pader na tabi ng kama kung sa kame nakahiga at nakatayo kame ngayon hawak ko ang puwetan niya habang hinahalikan. Unti - unting bumababa ang pagdila ko sa kanya hanggang marating ko ang sawa na napaka tigas. Ang sarap paglaruan ng tarugo niya mas malaki ito kaysa sa akin at pababa ang tigas nito. Dinuran ko ang kanang kamay ko at pinaglalaruan ang butas ng kanyang puwet habang subo subo ko ang kalalakihan niya.

"aaaaaahhhhhhhh" napakalakas na hiyaw ang lumabas sa kanya.

Binilisan ko ang pag subo sa kanya. Sinabi niya na malapit na siyang labasan at hiniga ko na siya uli sa kama upang magpalabas na kame. Laplapan na naman ang aming mga dila habang jinajakol namin ang mga ari namin. Tinanong ko siya kung nakatikim na siya ng tamod at sabi niya hindi pa raw. Sinabi ko sa kanya na kainin niya yung tamod ko kakainin ko rin yung sa kanya na siyang pinag sang ayunan niya. Bilin ko din na wag munang kainin para sabay kame habang magkahalik

Nang ramdam ko na malapit na ako ay itinutok ko na ang tite ko sa bibig niya at sumabog na ang katas ko sa kanya.

"aaaaaaaahhh eto naaaaa shiit saraaaap"

Siya din ay sumenyas na na sasabog ja din siya kaya itinutok ko na ang bibig ko sa tite niya. Di nag tagal ay sumirit na din ang kanya

Naghalikan kame matapos labasan ngunit ng nalasahan na namin ang magkahalong tamad ay pareho kaming naduwal sa lasa nito.

Dali dali kaming pumunta sa banyo para iduro yung tamod. Nagkatinginan kame at tumawa sabay halikan uli...

Naramdaman namin ang pagod matapos ang ginawa namin. Nahiga kame na nakuhbad at magkayakap at naguusap kame muli.

Tinanong ko siya "Saan ka pala nakatira?"

"Diyan lang isang tricycle limang minuto lang ang layo mula dito hahaha"

Kaya pala ang bilis niya malapit lang siya dito kung saan ako nakatira. Akalain mong ang makikilala ko sa isang chat site ay malapit lang nakatira sa akin? Ang tadhana nga naman di mo masasabe kung kelan ka paglalaruan.

Nakatulog kameng magkayakap... Dito nagsimula ang espesyal na pagkakaibigan namin ni Jun

ITUTULOY....

Chuck and Paul - Part 4


Ibinaba ko na ang cellphone ni Chuck sa kama. Mabigat na naman ang kalooban ko. Lumabas si Chuck sa banyo at nagbihis. Tumayo naman ako para ayusin ang pinag-bihisan niya. Matagal siyang hindi kumikilos sa pagkakaupo at nakatitig lang sa cellphone.
“Baka male-late ka na nyan. Bilisan mo ng gumayak” sabi ko.
“Ginalaw mo ba ‘tong cellphone ko?”
“Ah, eh, tinignan ko lang kung sino yung nagtext sayo.” Sabi ko habang nagkunwaring walang namuong tensyon sa pagitan naming dalawa. Tumalikod ako para dalhin yung mga pinagbihisan niya sa lalagyan ng maruruming damit.

“Sino may sabi sayong pwede mong galawin ang cellphone ko at basahin ang mga messages ko?” Nagtaas na siya ng boses. Tumayo siya at hinarap ako. Napayuko lang ako upang iwasan ang matalim niyang tingin.
“Wala naman sigurong masama kung aalamin ko kung sino ang nakatext mo. Boyfriend kita.” Nautal pa ako sa pagsasalita. Hindi ko kasi alam kung boyfriend ko pa siya.
“Ayaw ko nang maulit ‘to.” Sabi niya sabay talikod. Nagpagtuloy siya sa pagbihis at kinuha ang school bag bago lumabas ng kwarto. Pag-iyak na lamang ang nagawa ko.

Another day, nagpunta ako sa auditorium para magpractice. Naabutan ko dun sina Kiko, Kristine at Chuck. Actually, alam na namin ang kantang ‘to. Polishing na lang ang kailangan. Medio nagiging close na kami ni Kiko this time, parang wala na lang sakin ang ginawa niya dati. Masaya naman siya kausap eh. Magaling siya sa bass at enjoy. Iniiwasan ko na lang na mapadako ang tingin ko sa sweet na sweet na sina Chuck at Kristine.

Sumunod na araw, sa boarding house ni Chuck. Kasama ko si Ken habang nagre-review kami para sa exam namin bukas. Dumating si Chuck. Kasama niya ang mga kaibigan niya, at ikinagulat ko nang todo ay nang makita ko rin si Kristine. May dala silang alak at pulutan. Agad na pumunta ang lahat ng kasama ni Chuck sa likod ng bahay para doon magset-up ng pwesto nila para sa inuman. Tumuloy naman si Chuck sa kusina. Tinawag niya ako at pinaghanda ng mga gagamitin nila para sa pag-iinuman. Ibinigay niya sakin ang isang bote ng alak para ilagay iyon sa isang pitchel. Dinala ko iyon sa likod ng bahay. Gusto akong tulungan ni Ken pero sabi ko na kaya ko na ‘to. Pinatawag ako ni Chuck sa pinakamalapit na kainan para magpa-deliver ng pagkain. Napaka-ingay nila habang nag-iinuman. Inilabas ni Chuck ang CD player para may music sila. Nandoon lang ako sa kusina para kung kakailanganin nila ng kung ano, ako na ang magbibigay sa kanila.
“Napaka-maasikaso naman ni Paul, ang sweet mo talaga sa kanya.” Narinig kong sabi ni Kristine. Alam kong gusto niya lang akong inisin. Di ko na lang siya pinagtutuunan ng pansin.

“Alam na ba niya, Chuck?” Tanong naman ng isa pa nilang kasama. Si Toffee. Kilala ko na siya ngayon. Medyo napapadalas na kasi ang punta ni Toffee sa boarding house nitong mga nakalipas na araw.
“Anong sinasabi mo diyan? Uminom ka na nga lang diyan.” Sagot naman ni Chuck. Agad akong pumasok ng bahay dahil dumating na ang pinadeliver ko. Agad ko iyong inihanda para sa mga nag-iinuman. Naglabas din ako ng mga baso para na rin magamit nila. Papalabas na ako nang marinig ko na lalong napalakas ang sigawan nila. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Gusto ko na puntahan si Ken. Nakakahiya kasi sa kanya, iniwan ko siya sa loob ng bahay. Malapit na ako sa mga nag-iinuman nang makita ko ang pinakamasakit na tagpo ng aking buhay. Nakatayo sina Chuck at Kristine habang naghahalikan. Parang wala lang sa kanila ang ginagawa nila. Nagkakantyawan ang kanilang mga kainuman. Hindi ko kinaya ang nakita ko. Nanginig ang aking kamay mula sa pagkakahawak ko ng tray. Agad ko iyong nabitawan at nalaglag sa semento at lumikha ng malakas na ingay ang pagkabasag ng mga baso. Nakita ko na napapikit ng mariin si Chuck pagkarinig ng mga nabasag.
“Ano ba yan?! Ang laki-laki mo na, nakakabasag ka pa ng mga gamit!” Sigaw sakin ni Chuck habang umupo ako para ligpitin ang mga naibagsak ko. Tumahimik silang lahat habang nakaupo ako doon. Nakibibinging katahimikan.

Tumutulo na ang luha ko sa halo-halong emosyon. Napakabigat ng pakiramdam ko. Binasag ng boses ni Kristine ang katahimikan.
“A real loser. That’s what you are Paul.” Sinundan pa niya iyon ng malakas na pagtawa. Hindi ko na lang siya pinansin. Wala yung sinabi niyang yun sakin kumpara sa nakita kong paghahalikan nila ni Chuck. May humawak sa braso ko at pinilit ako patayuin. Di ko na nagawa pang kilalanin kung sino iyon. Dinala niya ako sa sala ng boarding house. Pinaupo niya ako sa sofa at binigyan ng baso ng tubig. Medyo nahimasmasan ako sa pagkakainom ng tubig. Si Ken pala.

“Paul, bakit mo hinahayaang gawin ni Chuck sayo ang lahat ng iyan? Maawa ka naman sa sarili mo!” Yumakap ako kay Ken sa sobrang sakit ng nararamdaman ko at paghagulgol.
“Well, ano ka ngayon ha, Paul?” Narinig kong sabi ni Kristine habang papalapit sa amin ni Ken. “Nakakalungkot naman ang nangyayari sayo, friend. Dapat kasi, hindi mo na ako kinalaban noon.”
“Ano pa bang kailangan mo!” Tanong ko, nagtitimpi lang ako para hindi mapatulan ang isang walang kwentang tao na katulad niya.
“Ikaw ang may kailangan, kailangan mo nang maghanda para umalis sa lugar na ito.” Napatingin ako sa mga mata ni Kristine. “Sa napapansin mo, hindi ka na siguro dapat pang magtagal dito. Di ka kailangan ni Chuck. Ako na ang papalit sayo dito.” Nakataas ang noo niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko, takot sa maari niyang isagot sa akin.
“Mag-impake ka na. Sinabihan ako ni Chuck na dito na mag-stay.”

Ngayon alam ko na, naalala ko yung text ni Kristine kay Chuck, “Ahaha! Paul will be mad for sure! Kawawa naman siya.” Hindi ko pa matanggap ang katapusan ng lahat ng ito.

The next day, pumunta ako sa boarding house. Alam kong wala si Chuck dun kasi may klasi siya nang time na yun. Inayos ko na ang mga gamit ko at nagsimulang ilagay iyon sa malaking bag na dala ko. Nagpasya na akong umalis. Pagka-impake ko, itinago ko muna ang bag sa ilalim ng kama para hindi makita ni Chuck. Ayaw kong malaman niya na aalis na ako ngayon. Bumalik ako sa school para magpractice ng kanta. Nakausap ko si Ken. Sinabi ko sa kanya ang balak ko. Sinuportahan naman niya ang aking desisyon. Dapat daw noon ko pa ginawa yon. Gabi nga pala ako makakauwi nun dahil sa mga projects at journals na ginagawa namin kay Mrs. Molina, ilang linggo rin akong hindi makakauwi samin. Pero since aalis na nga ako sa bahay na lang nina Ken ako makikitulog. Payag naman siya.
“Sige, pagkaalis mo sa boarding house text mo lang ako. Sabay na tayong umuwi samin.” Sabi ni Ken. Ang laki na talaga ng utang ng loob ko sa kanya.

Inisip kong pagbigyan ang sarili kong makasama siya nang isang gabi pa bago ako umalis nang tuluyan. Naligo siya habang namimili ako ng damit na isusuot. Nagmamadali akong mamili ng damit na nasa bag kong nasa ilalim ng kama. Paglabas niya, tumapat agad siya sa salamin at nag-ayos ng buhok. Ako naman ang naligo. Habang naliligo, iniisip kong sana ay maging maganda ang aking gabi. Ito na kasi ang huli. Paglabas ko ng banyo, nakita ko siyang nakabihis na, nakaupo sa kama at nakatulala. Naupo ako sa tapat ng salamin at nag-ayos ng sarili. Napansin kong nakatingin siya sakin, parang may gustong sabihin. Tumayo at humarap sakanya.
“Anong nangyari sa’yo? May problema ba?” Tanong ko. Nakatingin parin siya sakin.
“Ah… Wala.” At nagsimula na siyang magsuot ng sapatos.

Kumain muna kami sa McDo. Wala pa rin siyang imik. Tuwing titingin siya, sinusuklian ko siya ng tipid na ngiti. Masaya ako ngayon kasi hindi kami nag-aaway. Okay na talagang umalis ako sa kanya bukas. Sumakay kami ng tricycle papuntang school. Sa covered court gaganapin ang College Night. Bago kami bababa ng sasakyan, bigla siyang nagtanong.
“Aalis ka ba?” Hindi man lang siya nakatingin sa akin. Pero mukha siyang malungkot.
“Huh?”
“Uh, wala. Manong diyan na lang po sa gate.”
Kinabahan ako habang bumaba ng tricycle, nakita kaya niya ung mga bag ko sa ilalim ng kama? Pero bakit siya malungkot? Wala rin akong balak pumunta ng College Night pero niyaya lang ako nitong si Chuck dahil wala daw siyang partner, may pasok si Kristine.

Pumunta agad kami sa covered court. Sinalubong kami ng tugtugan at masasayang estudyante. Sandali kaming naghiwalay ni Chuck dahil bigla na lang kaming sinalubong ng grupo ng mga tao. May biglang umakbay sakin. Si Kiko. Nasulyapan ko si Chuck habang nagpupumilit naman kumapit sa braso niya si Krstine. Syempre, mawawala ba naman ang demonyitang bruha na yun. Magkakabit ang paningin namin ni Chuck habang papalayo siya. Kumuha ako ng wine sa tray ng nagdaang waiter. Kumalas ako sa pagkaka-akbay ni Kiko. Umikot-ikot ako upang maghanap ng mauupuan. Nakita ko si Kiko na papalapit sa mesa ko. Umupo siya sa harapan ko.

“Kumusta?” Tanong niya sa akin.
“Ayos lang, sinong kasama mo?”
“Kasama ko kanina si Toffee, kaya lang biglang nawala. Mukhang nag-iisa ka yata? Nasaan si Chuck?”
“Pumunta dun sa gitna, kasama si Kristine.” Wala akong emosyon habang nagsasalita. Naubos ko ang wine sa baso ko at humingi pa sa papalapit na waiter.
“Mukhang maglalasing ka ha, sige, sasamahan kita.”
Nagulat ako dahil hindi ko na maramamdamang galit ako kay Kiko. Kahit na kasali siya sa naging dahilan kung bakit kumplikado na ang relasyon namin ni Chuck.
“Paul, sorry pala sa mga nagawa ko sayo. Di ko sinasadya. Di ko inakalang hahantong sa ganito ang lahat.”

Nag-angat ako ng tingin para tignan siya sa mga mata. Nakita ko ang sincerity niya sa mga sinabi niya.
“Wala yun, nangyari na eh. Pero nahihirapan na talaga akong maibalik yung dating kami ni Chuck.”
“Salamat at pinatawad mo ako. Oo nga pala, matagal na kitang gusto, hindi ko lang masabi sayo.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita. Wala akong maisip na sabihin.
“Bakit natahimik ka diyan. Baka hindi ka naniniwala sakin?”
Nagpatuloy lang ako sa pagtitig sa kanya. Sa totoo lang wala akong naramdaman kahit konting saya nang malaman kong gusto pala ako ni Kiko.
“Ang totoo niyan, ang cute ng personality mo. Simple pero may dating.”
Medyo nakaramdam ako ng konting hiya sa sinabi niya, hindi ko alam kung nambobola lang siya.

Nagkwentuhan lang kami ni Kiko habang nag-iinuman. Medio nainip na ako at gusto ko ng umuwi. Hindi man lang ako binalikan ni Chuck. May dalawang oras na kami ni Kiko sa mesa at medyo nahihilo na ako dahil sa iniinom namin.
“Tama na kaya yan, baka hindi mo na kaya.” Sabi ni Kiko. “Bakit ka pumapayag na ginaganyan ka ni Chuck?” Tanong pa niya. Napayuko ako at tuloy-tuloy naming dumaloy ang mga luha ko. Masyado na akong nasasaktan. Tumabi si Kiko sakin at hinagod ang likod ko. “Basta kung hindi mo na kayang pakisamahan siya, andito lang ako.”

Nanghihinayang talaga ako sa lalaking ito. Masaya na akong may isang katulad niya na masasabi kong kaibigan ko.
“Sayaw tayo sa gitna.” Aya niya sakin.
Ngayon ay tumutugtog ang isang sweet na kanta. Nakita kong nagsasayaw sina Chuck at Kristine. Nakakapit si Kristine sa batok ng hinayupak. Sobrang naiinis na ako kaya sumama na ako kay Kiko sa gitna para sumayaw. Ang lintek na Kiko naman ay sa tabi pa nina Chuck at Kristine pumwesto! Pinilit kong wag mapatingin sa gawi nila Chuck habang nagsasayaw kami ni Kiko. Maya-maya lang ay nagkakatinginan kami ng kasayaw ko.

“Pag ayaw mo na kay Chuck, sabihin mo agad sakin ha.” Sabi ni Kiko. Hindi ako sumagot, di ko alam ang dapat kong sabihin. Mga dalawang songs na ring nag nasasayaw namin ni Kiko nang biglang lumapit si Chuck samin dalawa.
“Pwede bang makasayaw ang boyfriend ko?” Matigas na boses niya habang nagsasalita.
“Sure.” Sabay abot ng kamay ko kay Chuck. Pinisil ni Kiko ang kamay ko at agad tumalikod saming dalawa. Humawak si Chuck sa waist ko. Napilitan naman akong ipatong ang mga kamay ko sa balikat niya. Nagsimula kaming magsayaw pero nakayuko lang ako. Ayokong magtama ang aming mga paningin.

“Sino ang may sabing pwede kang makipagsayaw kung kani-kanino?” Hindi ako sumagot. Sumosobra na talaga siya at baka maubusan ako ng pasensya. Pinipigilan ko ang sarili ko para hind imaging emosyonal.
“Huwag kang magsasayaw kung hindi rin lang ako ang kapareha mo.” Hindi pa rin ako umimik. Sobrang unfair ang niyang magyari. Nakikipagsayaw siya kani-kanina lang kay Kristine, tapos bawal akong makipagsayaw kahit na kanino? Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Gusto ko talagang maayos ang paghihiwalay namin. Huling gabi ko na 'tong kasama siya at ayaw kong masira ito nang dahil lang sa isang away.

Sweet pa rin ang music. Parang ang sarap ng feeling kapag in-love ka at mga ganitong kanta ang pinakikinggan mo. Pero iba iyon sa nararamdaman ko. Masakit para sa aking makinig ng love songs dahil sa nalalapit namin paghihiwalay ni Chuck. Tumugtog ang isang kantang nagpabigay sa aking damdamin.

[Minsan Lang Kita Iibigin by Juris Fernandez]

[Mahal, pangako sayo, hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit ikaw ay lumayo
At masaktan ako
Asahan na di maglalaho]

Kainis naman yung song. Pang-asar, parang nananadya. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Baka kasi bigla akong maiyak. Naramdaman kong medyo humigpit ang hawak ni Chuck sa bewang ko.

[Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman,

Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin,
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.]

“Huwag kang aalis.” Narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa mukha niya pero wala siyang kaemo-emosyon. Hindi ko tuloy masiguro kung sinabi niya talaga iyon. Nagbawi ulit ako ng paningin at pinagmasdan ang mga makukulay na ilaw na paikot-ikot sa mga nagsasayaw.

[Minsan, lamang sa buhay ko
Ang sang katulad mo,
Ako rin ba’y iniibig mo
Dinggin, puso’y sumasamo
Sinusumpa sayo,
Ikaw ang tanging dalangin ko.]

Nagpatuloy lang kami sa pagsasayaw. Marahang umiikot sa dance floor. Lalong bumibigat ang pakiramdam ko nang dahil sa kanta. Lumalim ang aking mga paghinga, tanda ng nagsisimulang pag-iyak.

[Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman,

Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin,
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.]

Niyakap na ako ni Chuck. Naitago ko ang aking mga luha sa kanyang paningin. Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang mga balikat at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

[Ang pag-ibig ko’y alay sayo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.

Minsan lang kita iibigin,
Minsan lang kita mamahalin,
Ang pagmamahal sayo’y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.]

Pinilit kong itago sa kanyan aking pagluha. Kinalma ko ang aking sarili. Ito na ang aming huling gabi. Ang huling gabing magkasama kami.

[Minsan lang kita iibigin.]

Nanatiling nakahilig ang aking ulo sa kanyang balikat. Nagtuloy-tuloy ang aking pag-iyak hanggang sa nabasa ang kanyang polo. Hinawakan niya ang aking mga pisngi at hinarap ang aking mukha sa kanya. Nakita niya ang aking mga mata na basang-basa sa mga luha.

Pinunasan niya ng kanyang mga daliri ang aking pisngi. Nahirapan akong basahin ang kanyang nararamdaman nang mga sandaling iyon.

Nanatili ang aming pagtitinginan. Hindi ko na muli pang makikita ang mukha niyang malapitan simula bukas. Mami-miss ko siya nang sobra, hindi ko man aminin sa sarili ko. Hindi ko na naman napigil ang mapaiyak. Unti-unting bumaba ang kanyang mukha papalapit sa akin. Hinalikan niya ako sa mga labi.

[Minsa lang kita iibigin.]

Lumipas ang gabi at sabay na kaming umuwi ni Chuck sa boarding house. Medyo mabigat ang pakiramdam ko at hindi na ako komportable kaya naman nagtuloy-tuloy ako sa banyo para maligo. Medyo nakainom ako kanina at talagang nahihilo ako. Naiwan si Chuck na nakaupo sa salas. Matagal din bago ako lumabas ng banyo. Presko na ang pakiramdam ko at gustong-gusto ko nang matulog. Wala pa rin si Chuck sa kwarto nang humiga ako sa kama. Itinabi ko sa aking unan ang aking cellphone na ini-alarm ko nang 4:30am. Bukas na talaga ako aalis at pipilitin nang wag magpakita kay Chuck. Maaga akong gigising para hindi na niya ako makitang umalis. Well, hindi naman niya ako siguro pipigilan kung makikita niya ako. Sa house nalang nina Ken ako tutuloy. Hindi na muna ako uuwi sa bahay hanggang hindi ko pa natatapos ang mga projects at journals.

Marami pa akong aasikasuhin bukas tulad ng pagre-resign sa banda namin kaya kelangan kong matulog na. Magre-resign na talaga ako, hindi dahil sa ayaw ko nang tumugtog. Kelangan lang. Para tuluyan ko nang maiwasan si Chuck. Matagal na akong nakahiga pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Sobrang nalulungkot ako. Sobrang hirap umalis sa tabi ng taong napakahalaga sayo. Nagtataka na ako kung bakit hindi pa rin pumapasok si Chuck sa kwarto. Lumabas ako para puntahan siya sa salas. Nakita ko si Chuck na nakadukdok sa center table. Hawak pa niya ang isang baso na may lamang alak. Halos kalahati na lamang ang laman ng binuksan niyang bote ng alak. Itinuloy pala niya ang kanyang pag-iinom. Nakakaawa ang kanyang itsura sa pwesto niyang iyon kaya naman pinilit ko siyang ginising pero sobrang lalim na ng kanyang tulog. Wala akong choice kundi ang akayin sa papasok sa kwarto. Iniakbay ko ang kanyang braso sa aking balikat at inalalayan siyang maglakad. Sobrang hirap kasi ang bigat niya. At di hamak na mas malaki siya sakin.

Masarap na ang tulog niya. Maya’t-maya maririnig ko ang mahina niyang paghilik. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod at pagkalasing. Maraming gumugulo sa aking isip. At di katagalan ay nakatulog na rin ako. Magkatabi kaming natulog. Walang away. Walang gulo.

ITUTULOY :)