Arc - Yandere si Vin

Chapter 1: The Seminar

Ito po ay true story na hango po sa sarili kong karanasan. Di po totoong pangalan namin ang ginamit pero hango poi to sa mga totoong tao. Hehehe.
Yandere: Japanese term para sa taong mabait at gentle sa una pero nagiging overprotective at possessive after. (Search nyo na lang po pag medyo di malinaw.)

Ako nga pala si Arc, graduate ng Mass Communication at currently looking for a job. 5’5”, may konting laman pero mahilig mag-bisikleta kaya medyo toned ang leg muscles (naka-bike lang kasi ako pag pumapasok) mahilig manuod ng anime at foreign language movies, at sabi nila, may itsura naman daw ako. Asset ko daw yung mata at kilay ko kasi mukha daw lagi akong sa malayo nakatingin.

Nangyari po ito during our 4th year college kung saan isa sa mga requirement naming bago grumaduate (bukod sa thesis) ay mag-organize ng seminar yung section namin. Hinati kami sa 4 committees: program (in-charge sa paghahanap ng speakers), food, physical arrangement (taga-ayos ng venue), at publicity (in-charge sa tarpaulins, invitation etc.).

Ako yung ginawang head ng publicity dahil daw ako yung laging may dalang laptop at pinaka-may alam sa lay-outing at photoshop. May 5 akong members na hawak na kalaunan ipinalipat ko na lang sa ibang committee kasi una, lahat ng designs at dapat manggagaling dapat sa iisang tao para may uniformity at pangalawa, kaya ko naman mag-design mag-isa.

Nag-PM ako sa class president namin at head ng program committee na si Vin kasi daw baka hindi ko kayanin.

Arc: Uy, Vin, ilipat mo na lang yung 5 na under sakin sa iba. Ilagay mo dun sa physical dahil mas marami dapat dun. Tsaka di naman sila sanay mag-photoshop eh. Hehehe.
Vin: Kaya mo ba mag-isa? Baka mamaya ma-late ka magpasa ng designs. Alalahanin mo, invitation, t-shirt, tarpaulin, give-away, at AVP ang kailangan mo gawin.

Arc: Kaya yun since pag nakapag-conceptualize naman na ng theme konti na lang ang gagawin ko.
Vin: Talaga lang ha. Tsaka yun nga yung point nun kung bakit may 5 na under sayo, para may uutusan kang tumakbo for printing.
Arc: Sus, kaya ko na rin yun.
Vin: Fine, basta kung kelangan mo ng tulong don’t hesitate to ask.

Yun ata yung rason kung bakit maraming nagkakagusto kay Vin, kasi lagi siyang concerned sa tao. Bukod sa may itsura siya, maputi at matangkad—5’8". Maganda ang katawan, approachable siya at talagang may sense of leadership.

Dumalas ang pagsasama naming ni Vin dahil sa pago-organize ng seminar. Madalas kaming ginagabing 4 na committee heads dahil kelangan naming mag-report palagi sa instructor namin.

Dumating yung isang araw na nagpa-approve ako ng design sa committee heads at instructor namin, para yun sa t-shirt na susuotin naming buong section during the seminar. Nasa classroom ako nun, nakaupo sa teacher’s table nang biglang dumating si Vin.

Arc: Uy, Vin, nasan sila Gina at Jie (yung 2 pang committee head), eto na kasi yung shirt design tignan nyo na.
Vin: Nandun sa office ni Ma’am nagpapa-approve ng menu ng pagkain.

Ihaharap ko na sana yung laptop sa kanya para ipakita yung design pero dun siya pumuwesto sa likod ko para tignan yun design. Nilapit nya yung mukha nya sa screen, napaka-awkward nung time na yun kasi halos magkatabi na yung mukha namin, kapag lumingon yung isa samin, malamang mahahalikan naming yung pisngi ng isa.

Arc: Ano, ok na ba?
Vin: Oo, ang ganda ng susuotin natin. Iba talaga kapag ikaw gumawa.
Arc: Leche ka. Dalin na natin ‘to kela Ma’am ng mapa-approve na.(Pero sa loob-loob ko nun, kinikilig ako.)

Nang mapa-approve na yung t-shirt design, sabi ko sa kanya, pupunta na ko sa shop para mapasalang na. Papasama na lang ako dun sa isa naming kaklase para tulungan akong buhatin yung mga black shirt na tatatakan.

Vin: Wag ka na magpasama dun. Ako na lang sasama sayo. Tara.
Arc: Ok. (Sabi ko sa sarili ko nun, wag ko ipahalata na nangingiti ako dahil siya ang sasama sakin.)

Pagkadala naming sa shop nung shirt at nabigay ko na yung design. Nagbayad na kami. Makukuha daw naming yung mga shirt after 2 days.

Vin: Sakto lang pala eh, Wednesday pwede nang kunin, Friday morning ang seminar.
Arc: Oo nga, pwede natin ipamigay sa Thursday habang nagaayos tayong lahat sa venue.
Vin: Ok. Kumain ka na ba? Nakakapagod magbuhat ng mga shirt eh, nagugutom na ko.
Arc: Ha? Eh di pa ko nagla-lunch. Tinapos ko yung design diba?
Vin: Sabi ko sayo kung di mo kaya magpatulong ka. Ang tigas ng ulo mo eh. (kinurot nya ko nun sa pisngi)
Arc: Sorry, pero natapos ko naman on-time.
Vin: Fine, kumain na lang muna tayo. Treat kita.

Nagpunta kami nun sa Jollibee, burger meal ang inorder niya.

Vin: Ikaw, ano gusto mo?
Arc: Burger na lang din.
Vin: Hindi, magkanin ka. Di ka pa naglalunch diba.
Arc: Mahal eh. Ok na ko sa burger.
Vin: Treat ko nga diba? (dun sa cashier) Miss, tsaka isang chickenjoy.

Humanap na kami ng table pagkatapos nun. Nagpapaka-demure ako kumain nun ng manok kahit na gutom na gutom na ko. Kasi nakakahiya kung magmumukha akong timawa. Sabi niya sakin,

Vin: Hayy, malapit na rin tayo makatapos dito sa seminar. Kaso balik na naman tayo sa thesis.

Medyo nalungkot ako nun, kasi na-realize ko na di ko na ulit siya masyadong makikita kasi magkakanya-kanya na naman kaming grupo dahil magtatapos na rin kami ng thesis.

Arc: Yun nga. Di na tayo napahinga. One month na lang final defense na rin.
Vin: Oo nga no? Dapat pala magpahinga muna tayo after ng seminar, para ready tayo mag-cram sa thesis. Hehehe. Mag-inuman kaya tayo sa Monday kela Dett?

Nakaugalian kasi naming mag-inuman ng section naming nun. Tuwing may matatapos na pasahan sa thesis, lagi nagkakaayaan sa apartment nila Dett kasi malapit lang sa school namin, madalas wala yung mga kasama niya at medyo ka-close na rin naming yung mga kasama niya sa apartment dahil nasasama nga sa inuman.

Arc: Sige! Yayain natin sila. Makapag-celebrate man lang tayo.

Dumating yung araw bago yung seminar, ang usapan, pupunta ang buong section sa venue ng 3pm para magstart mag-ayos.  (Di namin pwede agahan kasi may event sa venue ng 7am-12nn). Hanggang gabi kami magse-set up. Kahit na di naman ako physical arrangement committee, kelangan nandun pa rin ako dahil sa committee head ako.

Inabot kami ng 10pm dun sa venue. Naayos na naman namin halos lahat. Konti na lang ang aayusin kinaumagahan.  Napagpasyahan na dahil kelangan maaga pa ulit bukas, makikitulog ang mga nandun sa mga kaklase naming na malapit lang ang bahay. 4 na bahay ang pwedeng tulugan, 20 lahat kaming nandun. Nagpaalam ako na uuwi na lang ako since malapit lang naman ang bahay naming at may dala naman akong bisikleta. Babalik na lang ako bukas ng umaga. Pero biglang sumagot si Vin. Sumama nalang daw ako sa kanila kela Dett, para daw lahat ng committee heads magkakasama matutulog. Sabi ko hindi na talaga. Para mas maluwag ang pwesto nila. Pero sinakyan ni Vin bigla yung bisikleta ko at dumeretso na kela Dett, kaya wala na akong nagawa. Nagtext na lang ako sa nanay ko na bukas na ako uuwi ng umaga para maligo at kumuha ng gamit.

Pagdating namin kela Dett, naglatag sila ng banig sa sala. Pagkasyahin na lang daw naming 4 ang sarili namin. Sa loob daw ng kwarto matutulog si Dett. Ang naging pwestuhan namin, Ako ang nasa may tabi ng pader, katabi ko si Vin, Si Gina tapos si Jie. Naglabas si Dett ng dalawang kumot, hati hati na lang daw kami. Isa sa mga boys, isa sa mga girls. Sabi ko kay Vin sa kanya na yung kumot, di naman kasi ako lamigin.

Vin: Sure ka?
Arc: Oo, nga. Ok lang saking walang kumot basta may unan. Tsaka sanay kasi ako matulog na nakahubad, eh di naman ako pwede maghubad dito. Hehehe.
Vin: Ah ganun ba? Sige. Basta kung kelangan mo ng kumot, hatakin mo lang sakin ah.

Nakatalukbong nga kumot matulog si Vin, samantalang ako nakatagilid at nakaharap sa may pader. Kumportable kasi ako sa ganung posisyon. Ang problema ko lang nun, madali akong mamahay kaya mababaw lang ako makatulog.

Nagising na lang ako nang maramdamang kong nag-iba ng pwesto si Vin, dumilat ako at binuksan ang cellphone ko para mailawan ang paligid, pagtalikod ko (since nakaharap ako sa pader.) di na nakatalukbong si Vin at halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mukha namin sa isat-isa.

ITUTULOY