Chaster Rassel - Sundae Part 1


Chapter 1: Bittersweet Beginnings

Basag-ulo, away dito at away doon, gulo dito at gulo doon, iyan ang laging eksena sa high school life ko. Mula pa nung first year ako hanggang ngayon na senior na ko. Itago niyo na nga lang pala ko sa pangalang Hagen Dasuero, labing-anim na taong gulang.

Sa pisikal na aspeto, masasabi ko na may itsura din naman ako. May tamang height at hubog ng katawan. Iyon nga lang ay hindi ako kaputian. Marami din ang nagsasabi na nakakatakot daw ako, dahil iyong mga mata ko daw ay matalas at ang mga kilay ko parang laging nakataas at galit. Pero ano naman ang magagawa ko, eh iyon ang natural na itsura ng mga mata at kilay ko, tsaka namana ko lang naman iyon sa papa ko.

Sa pananamit at pag-aayos naman ng aking sarili, gustong-gusto ko na nilalagyan ng gel ang buhok ko. Tapos inaayos ko ito ng spikey na style. Kahit sa pagpasok sa school ganun ako. At speaking of pagpasok sa school, dahil nga sa pasaway ako, hindi ko sinusunod iyong rules sa pagsusuot ng uniform namin.  Mahilig kasi ko sa walang manggas na damit, kaya madalas ay tinatanggal ko iyong polo shirt ko at idinadantay ito sa aking balikat, habang naglalakad sa may campus nang nakasando lang. Wala lang, gustong-gusto ko lang na nakaexpose ang mamuscle kong mga braso.

Balik sa high school life ko, dahil  nga sa pagiging pala-away ko, maraming may ayaw sa akin, iyong iba naman takot. Pagdating naman sa mga teachers at principal namin, ako iyong kung tawagin nila ay problem student.
Pero kung problem student lang din ang usapan, hindi ako nag-iisa sa category na iyan. Nandiyan kasi si Drey Ernuella.

Kagaya ko, basagulero rin siya at sakit sa ulo ng mga teachers. Halos pareho kami ng tangkad at pangangatawan. Sa kulay ng balat, mistiso siya. Pero pagdating sa pagsunod sa school rules, lalo na sa uniform, mas matigas ang mukha niya kaysa sa akin. Palibhasa kasi ay anak siya ng principal.
Literal kasi siyang hindi nagsusuot ng school uniform. Nakacasual clothes siya kapag pumapasok. Tapos pamatay pa niyang magsuot ng makapal na salamin sa mata. Ewan ko ba, panerd look pa ang mokong, pero tarantado naman at hindi katalinuhan.

Ang nakakabwiset pa, palagi na lang siyang paepal sa landas ko. Kaya naman para kaming aso at pusa niyang si Drey. Kahit kailan hindi kami nagkasundo. Pero sa kabila noon, parang pinaglalaruan at pinagdidikit pa kami ng tadhana. Pano mula first year hanggang ngayon, magkaklase kami. At ngayon, muli na naman kaming nagkasalpukan.

Lunch break, nagkapikunan kami at nauwi na naman ito sa isang matinding upakan sa quadrangle ng school namin. Marami nang mga estudyante na nakapalibot at nakikiusiyoso sa gulo namin. Pero takot din naman silang makialam at umawat. Hanggang sa dumating ang principal na may kasamang mga school guards at inawat kami..........

    "ANO BA!...Tumigil na kayo!!....STOP THIS RIGHT NOW!!!..."galit na sambit ni principal.....

Hinawakan na kami ng mga guard at pinaghiwalay. Pero pilit pa rin akong nagpumiglas at.........

    "Hmph!...Ano ha?!...Magtatago ka na naman sa saya ng mommy mo?!....Duwag ka ata eh....O baka naman....MAMA'S BOY KA!!!..."nang-iinis kong sambit..... 

Nagpumiglas din siya at nagpumilit na sugurin ulit ako sabay.........

    "INA MO!!!...Talagang sinasagad mo ko ha!!!..."galit niyang sagot....

Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya, kaya naman sinabayan ko siya. Pero mas hinigpitan pa ng mga guards ang pagkakahawak sa amin. Pagkatapos ay.......

    "I SAID STOP IT!!!...."muling sambit ni principal......

Tuluyan na nga nila kaming napigilan. Pinaalis at pinabalik na niya iyong mga estudyanteng nakikiusiyoso sa mga classrooms nila. Kasunod noon.......

    "Dalhin niyo ang dalawang iyan sa opisina ko...NGAYON DIN!!!...."sambit niya sa mga guards......

Nauna na siya, habang isinunod naman kami sa kanya nung mga school guards.

SA PRINCIPAL'S OFFICE..........

    "Ano na naman ba toh?!....Wala na ba talaga kayong alam gawin kung di ang magbasagan ng ulo?!....Wala na bang hiyang natitira diyan sa mga katawan niyo?!....Tignan niyo iyang mga itsura niyo...Dinaig niyo pa ang mga tambay sa kalye!..."panenermon ni principal......
   
    "Si Hagen naman ang nagsimula Ma eh....Pinunit niya iyong report card ko!..."
    "WOW PRE!...Iyong akin, hinulog mo sa toilet bowl...Kumusta naman iyon!..."
    "Hmph!...Gumanti lang ako...Pero nauna ka pa rin!...Inggit ka lang ata sa grades ko eh!...."
    "Hahaha!...Joke ba iyan?...At saan naman ako maiinggit? Sa pinakamataas mo na 78?!..."

At bago pa kami tuluyang magkainitian ulit, inawat na kami ni principal........

    "SHUT UP!....BOTH OF YOU!!....It doesn't matter kung sino ang nagsimula...Pareho kayong may kasalanan!....For goodness sake!...Nasa fourth quarter na tayo ngayon...At Ilang buwan na lang ang natitira graduation day niyo na...Pero paano ko naman kayo papayang umakyat ng entablado niyan?! Hanggang ngayon, ganyan kayo!...Walang katapusang away!...Kahit kaunti, hindi man lang kayo nagbago sa tagal niyo dito sa school na toh!..."
   
Di ko alam kung bakit, pero bigla akong kinabahan nang banggitin niya ang graduation day. Hindi ko rin lubos na maunawaan ang gusto niyang iparating, kaya naman.........

    "Teka lang ho ma'am....A...Ano pong ibig niyong sabihin na paano kami papayagang umakyat ng entablado?..."usisa ko.......
    "Sa dami na ng mga nilalabag niyong rules and regulations ng school...Ng mga offenses niyo!....Not to mention, ang mga mabababa niyong grades!...Pareho kayong hindi na eligible grumaduate..."
    "Ma...Are you telling us na hindi kami makakatapos ng high school?!....Patatalsikin niyo kami?!...."usisa ni Drey.....
    "Well...I've already made a decision..."
    "I'm your son!...Hindi mo pwedeng gawin sa akin toh!..."
    "TUIMIGIL KA MR. ERNUELLA!...At huwag na huwag mo nang gagamitin ang linyang iyan sa akin...."
    "Mr...Mr. Ernuella?!..."pagtataka ni Drey.....

Maging ako man ay nagtaka rin, ngayon lang kasi nangyari na tinawag siya ng mommy niya nang ganun. Parang bang ibang tao na ang tingin sa kanya nito. Bukod doon, napansin ko rin na mamasa-masa ang mga mata nito habang sinasabi iyon sa kanya........

    "Enough is enough!...Pagod na pagod na ko sa mga kahihiyang ibinibigay mo sa akin!....Pinagtatawanan na ko ng mga tao...Dahil principal ako ng school, pero sarili ko pang anak ang isa sa mga nagbibigay ng problema dito....Kaya mula ngayon....Mula ngayon, magkalimutan na tayo!..."
    "Ano ba iyang sinasabi niyo?...Ma, you're scaring me...."
   
Hindi sumagot si principal. Sandali siyang natigilan, pagkatapos........

    "This is not the right place, para pag-usapan natin ang mga personal na bagay Mr. Ernuella...Sa bahay tayo mamaya magtutuos...For now, hintayin muna nating dumating ang mother ni Mr. Dasuero....On the way na siya...Dahil kailangan din niyang marinig ang mga sasabihin ko...."

Maraming beses na ring napatawag dito si Mama nang dahil sa mga kalokohan ko. Pero, ito na ata ang magiging pinakamatindi sa lahat. At kung talaga ngang hindi na ko makakagraduate at patatalsikin na ko ng school, hindi lang basta sermon ang aabutin ko nito, malaking gulo toh.

Makalipas ang ilang minuto ng paghihintay, dumating na si Mama. Naupo siya sa may tabi ko at.......

    "Good afternoon ho ma'am....Ahmmm....I know na ilang beses ko nang ginawa toh...Pero muli, humihingi ho ako ng paumanhin sa pinaggagawa ng anak ko....Pasensya na ho kayo..."
    "You don't need to that again Mrs. Dasuero...You have no reason to...Pareho lang naman tayo ng sitwasyon sa mga anak natin...But just like what I said to you on the phone...Sukdulan na ang lahat....So I've come up with a decision...."
    "Kung ganun ho...Ieexpell niyo na ang mga bata?...."
    "No..I never said anything about expulsion...."
   
Nakahinga ko nang maluwag sa aking narinig. Hindi naman pala kami maeexpell, pero..........

    "So ano hong gagawin niyo sa kanila?..."
    "I'm just gonna give them a 7-day suspension...Pero...Sa pagbalik nila...Wala na silang karapatang grumaduate!..."

Napatayo ako sa aking kinauupuan sa sinabing iyon ni principal at..........

    "Ma'am ganun din ho iyon eh!....Para saan pa na patuloy kaming pumasok dito? Kung hindi rin naman pala kami makakapagtapos!..."
   
Tumayo din si Drey sa kanyang kinauupuan at......

    "Tama si Hagen!...Kalokohan toh Ma!...Mas mabuti pang patalsikin niyo na lang kami!..."
    "Wow!...For the first time, nagkasundo kayong dalawa sa isang bagay...Eh kung ibalik ko kaya sa inyo iyang mga sinasabi sa niyo sa akin...Tell me, para saan pa na patuloy kayong pumasok dito? Kung puro kabalastugan at pakikipagsuntukan naman ang inaatupag niyo, IMBIS NA MAG-ARAL!...."

Hindi kami nakakibong dalawa ni Drey sa mga sinabi niya. Nagkatinginan lamang kami, pagkatapos ay napayuko.........

    "See!...Hindi kayo makasagot!....Tapos kayo pa itong may lakas ng loob na pagtaasan ako ng boses....Mga walang respeto!.....Maupo ulit kayo at makinig kayong mabuti sa mga sasabihin ko!...."

Naupo na lang kami ulit nang nakayuko pa rin. Hinayaan namin siya na makapagsalita.............

    "I have a reason kaya hindi ko pa rin kayo tuluyang pinatatalsik sa school na toh....I want you to know...Na kahit na puro sakit ng ulo ang ibinibigay niyo sa akin...Meron pa rin akong awa na natitira para sa inyo....And so...I'm giving both of you a chance...Just one chance!...Para mabawi ang graduation niyo...."

Dahan-dahan akong napangat ng ulo sa narinig ko. Napatingin ako kay principal. Maging si Drey ay ganun din ang naging reaksyon..........

    "Eh...Ano hong kailangan nilang gawin?..."usisa ni Mama.....
    "Dalawang bagay lang naman Mrs. Dasuero....Una, kailangan makapasok sila sa top 10 ng klase nila for this last quarter....Pangalawa, bawal na silang gumawa ng kahit anong gulo...At oras na malaman ko na nakipag-away sila...GOODBYE GRADUATION!...This will start immediately after ng 7-day suspension...Pagbalik nila dito....."

Taena! May chance nga kami na grumaduate, pero nakakagago naman sa hirap iyong mga kundisyones na kailangan naming sundin. Lalong lalo na iyong sa pagiging top sa klase.......

    "But it's still up to this two...Kung tatanggapin nila ang offer ko o hindi...."pagpapatuloy niya sabay tingin sa amin ni Drey.....

Hindi pa ko makapagdecide at makasagot.  Hanggang sa pasimple kong tinapik ni Mama nang mahina sa aking likuran. Dahil dun ay napalingon ako sa kanya........

    "Pumayag ka na!...Huwag mo nang pahirapan pa ang sitwasyon..."bulong niya.........

Kung hindi ako papayag, talagang  tuluyan na kong hindi makakagraduate ng high school. Hay, bahala na!.......
   
    "Si...Sige ho....Pu...Pumapayag na ko....."iyon na lamang ang isinagot ko.....
    "Good!...How about you Mr. Ernuella?..."usisa ni principal sabay tingin kay Drey..........

Hindi siya nagsalita, sa halip ay tumango lamang siya sabay iwas agad ng tingin sa mommy niya. Kahit na pumayag din siya, nababakas pa rin sa kanya, na iba ang sinasabi ng kanyang kalooban. Samantala, dun na natapos ang aming usapan, kasunod noon ay pinauwi na kami.

SA BAHAY..........

Pagpasok na pagpasok namin sa bahay.........

    "Akyat na ko sa kwarto ko...Gusto ka nang magpahinga..."sambit ko.....

Lumakad na ko, pero bago pa man ako makatuntong sa may hagdan, nangyari na ang inaasahan ko.........

     "SANDALI!...Mag-uusap pa tayo Hagen!..."galit na sambit ni Mama.....

Napahinto ako at napakamot sa aking ulo. Lumingon ako sa kanya at......

    "Ano?!...Sesermonan niyo na naman ako?!....Ginawa na iyan kanina ni principal Ernuella eh...Natotorete na ang tenga ko sa kakatalak niyong dalawa sa akin!..."
    "Paano ka naman di tatalakan, eh wala ka nang ibang ginawa kung hindi puro gulo!...Ano bang nangyayari sa iyong bata ka ha?!...Pati pag-aaral mo, nilalagay mo na sa alanganin...Bakit mo sinisira nang ganyan iyang buhay mo?!..."
    "Ang dami niyong sinasabi Ma...Tinanggap ko na iyong offer ni principal di ba?!....Ayos na ang lahat...Makakagraduate pa rin ako!...Ano pa bang ikinagagalit niyo?!...."
    "Pumayag ka lang....Pero hindi ka gragraduate hangga't hindi mo nagagawa iyong mga kundisyon niya....Huling pagkakataon na itong ibinigay niya sa iyo...Kaya utang ng loob anak!...MAGTINO KA NA!....Huwag mong sayangin iyong pagpapakapagod ng papa mo sa abroad...Para lang makapag-aral kayo ng kapatid mo!..."

May kapatid akong lalake na mas bata sa akin, si Hershey. Nasa grade 6 siya at graduating student din. Pero di gaya ko, masipag siyang mag-aral, tapos matalino pa...........

    "Bakit hindi mo na lang tularan iyong kapatid mo...Mas bata siya sa iyo pero siya pa iyong mas matino...At baka grumaduate pa ng may honor!..."pagpapatuloy ni Mama.........

Sa buong buhay ko, lagi na lang akong ikinukumpara sa kapatid ko. Inis na inis ako, dahil pakiramdam ko, ang liit-liit ko. At talagang ngayon pa napili ni Mama na bumanat ng ganun.........

    "Hmph!...Sabi ko na nga ba eh....Diyan rin ang punta ng lahat ng toh....SIGE NA!....Si Hershey na iyong mabait at magaling na anak!!....At ako, AKO IYONG WALANG KWENTA AT PATAPON!!!..."

Sa galit ko ay tumalikod na ko sa kanya at tumakbo paakyat ng hagdan. Pagkatapos ay dumiretso na ko sa aking kwarto.

PAGDATING NG GABI..........

Nagkulong lamang ako sa aking kwarto. Hanggang sa dumating na ang gabi. Hindi ako mapakali, mabigat pa rin ang kalooban ko at mainit pa rin ang aking ulo. Kapag nagkakaganito ko, isang bagay lang ang nakakapagpakalma sa akin. Iyon ay walang iba kung hindi ang sundae.

Sa lahat ng klase ng ice cream, iyon ang pinakapaborito ko. Sa tuwing kumakain kasi ko noon, gumagaan ang pakiramdam ko at nawawala rin ang lahat ng negative feelings na nararamdaman ko.  Dahil dun, nagbihis ako at lumabas na ng kwarto.

Pagkababa ko, naabutan ko sina Mama at Hershey na hinahanda ang hapag......

    "Kuya! Buti naman bumaba ka na...Tamang-tama, luto na iyong ulam....Bat nakabihis ka?...Aalis ka ba?...."
    "Hindi ba obvious?!...Hmph!...Kayo na lang ang kumain...Wala rin naman akong gana eh!...."

Palakad na dapat ako, pero napahinto ako dahil.........

    "HAGEN!...Gabi na...Saan ka ba pupunta?!...."sambit ni Mama.....

Napalingon ako pabalik kay Mama at.......

    "Kahit saan....BASTA MALAYO LANG AKO DITO!..."

Lumabas na ko ng bahay. Paglabas ko, padabog kong isinara iyong pinto. Kasunod noon ay umalis na nga ako. Nagpunta ko dun sa paborito kong kainan ng sundae. Isang chain na puro desserts ang specialty na hindi naman kalayuan mula sa amin. Nang umoorder na ko............

    "Isang Hot Fudge Sundae...."

Sakto na may tao mula sa katabing counter na nakasabay ko sa pagsambit noon. Napalingon ako, laking gulat ko, dahil ang nakita kong nakatayo sa tabi ko ay walang iba kung di si Drey!.........

    "Ikaw?!..."
    "Ha...Hagen..."
    "Hanggang dito ba naman pepestehin mo ko!..."bwisit kong sambit....
    "Hagen pwede ba...Huwag ngayon...Nandito ko dahil gusto kong kumain ng sundae...Ano ba naman ang malay ko na pupunta ka rin dito...Kaya please...Lubayan mo muna ko...Kahit ngayong gabi lang......"

Matapos iyon ay tumuloy na ulit siya sa pag-order. Sa tagal naming magkakilala na dalawa, ngayon lang ata nangyari na umiwas siya sa pagkikipagsagutan sa akin. Napansin ko rin na tila ang tamlay niya. Parang may hindi tamang nangyayari sa kanya.

Samantala, tumuloy na lang din ako sa pag-order. Matapos kong umorder, humanap ako ng pwesto na malapit lamang sa counter. Hindi kasi nila sineserve iyong order dito, kailangan kunin ito sa counter. Habang naghihintay, hindi ako mapalagay dahil nga sa kakaibang ikinilos ni Drey.

Hindi na ko nakatiis, kaya pinagala ko ang mga mata ko, para hanapin kung saan siya nakapwesto. Hanggang sa natanaw ko siya sa isang mesang nasa sulok ng chain. Mula sa kinauupuan ko, sideview lamang niya ang aking nakikita. Pero hindi naging balakid iyon sa akin. Dahil patuloy ko pa rin siyang pinagmasdan.

Habang pinagmamasdan siya, una kong napansin na ang dami niyang dalang gamit. May isang dihilang maleta na nakatayo sa gilid nung mesa. Sa tabi naman niya ay nakalagay ang isang backpack na bag at isa pa na madalas kong makitang ginagamit niya sa school.

Sunod kong napansin na panay ang yuko niya sa mesa. At mayamaya pa, tinanggal niya iyong salamin niya at pinahid ang mga kamay niya sa kanyang mga mata. Nabigla ako.......

    "Umiiyak ba siya?!..."bulong ko sa aking sarili.......

Kung tama nga ako, ito na ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ganito. Iyong tao na inaakala kong may mukha na kasing tigas ng adobe, may itinatago din pa lang kalambutan. Sa puntong iyon, bigla na lamang bumalik sa akin iyong mga nangyari at sinabi ng mommy niya sa kanya kanina nung nasa office pa kami.........

    "May...May kinalaman kaya dito iyon?...Di kaya....."putol kong bulong sa aking sarili.......

Nahinto ako sa pagsasalita, dahil bigla na lamang..........

    "Iyong mga umorder po ng Hot Fudge Sundae!...."

Tumayo na ko at lumapit sa may counter. At dahil nga pareho kami ng order, ganun din ang ginawa niya. Muli ay nagkatabi kami, kaya naman naisip ko na gamitin ang pagkakataon.............

    "Ang dami mo atang dala...Drey...Anong nangyari?..."usisa ko habang dinadampot ang sundae ko, sabay tingin sa kanya.....

Kinuha na rin niya iyong kanya, tapos ay tumingin din siya sa akin at.......

    "Kailan ka pa nagkaroon ng concern sa akin?...."

Hindi ako nakasagot, kaya naman tumalikod na siya at lumakad na pabalik sa mesa niya. Bumalik na rin ako sa pwesto ko. Pagkaupo ko, pinagmasdan ko iyong sundae. Kung tutuusin, simple at typical lang naman ang sundae nila dito. Vanilla flavor na soft serve na binuhusan ng syrup sa ibabaw. Pero para sa akin, espesyal ito. Kaya naman tinitignan ko pa lang ito, napapangiti na ko.

Bago ko ito tuluyang nilantakan, inilapit ko muna toh sa aking ilong at nilanghap ang amoy nito nang nakapikit. Sunod ay sinawsaw ko ng kaunti ang hintuturo ko sa syrup na nasa ibabaw at tinikman toh. Weird daw at oa tignan, pero ito na ang nakasakanayan kong gawin, sa tuwing kumakain ako nito.

Sinimulan ko na nga itong kainin. Habang kumakain, hindi naiwasan na mapatingin muli ako kay Drey. Laking gulat ko, dahil sakto kong natiyempuhan na inaamoy din niya iyong sundae niya nang nakapikit, tapos ay ginawa din niya iyong pagsawsaw ng daliri sa syrup sabay tikim.

Natigilan ako sa mga nakita ko. At bigla na lamang naging awkward ang pakiramdam ko. Patuloy ko siyang pinagmasdan. Habang kumakain na siya, napansin ko na ngumingiti na siya. Di ko alam kung bakit, pero napangiti rin ako. Matapos iyon ay itinuloy ko na rin ang pagkain ko.

Nasa kalahati na ang nakakain ko. Medyo okay at magaan na rin ang pakiramdam ko. Sumusulyap-sulyap pa rin ako kay Drey, hanggang sa may dumating at lumapit sa akin........

    "Kuya Hagen..."

Napahinto ko sa pagkain at napalingon, si Hershey pala........

    "Anong ginagawa mo dito?...."usisa ko.....
    "Nagwoworry sa iyo si Mama...Kaya nagprisinta ko na sundan at kausapin ka....Pwede ba?...."

Tumango ako, tapos ay naupo na siya sa may tapat ko..........

    "Paano mo nalaman na nandito ko?..."
    "Eh dito ka lang naman pumupunta kapag badtrip ka di ba?...Nandito kasi iyong paborito mong pampakalma..."nakangiti niyang sagot......

Napangisi ako sa isinagot niya.................

    "Oh iyan!...Ngumingiti ka na...Ibig sabihin okay ka na...Kaya makakausap na kita nang maayos...."
    "Hmph...May gusto ka bang kainin?..."
    "Ililibre mo ko?!..."nakangiti at tila excited niyang tanong.....
    "Ano pa nga ba...."
    "Yes!...Ang bait ni kuya ngayon ha!..."
   
Nangalong-baba siya, tila iniisip niya ang ooderin niya.......

    "Hmmm....Ang gusto ko, special na sundae...Iyong kapiranggot lang ang soft serve...Tapos ang toppings...INGGIT flavor syrup and a pinch of INSECURITY!...."

Nakangisi siya at nakatitig nang diretso sa mga mata ko habang sinasabi iyon. Lokong bata toh, parang pinariringgan ako.........   

    "Ginagago mo ba ko?!..."
    "Hindi ah...Dinidescribe lang kita, sa pamamagitan ng favorite mong food...Hehe..."
    "At paano ko naman naging description iyon?!..."
    "Hay kuya...Ang hina mo talaga!...Kapiranggot na soft serve...Gaya lang naman ng kapiranggot mong tingin sa sarili mo!...Sinasaksak mo lagi sa kokote mo na wala kang kwenta, kahit na hindi naman totoo...Iyan tuloy...Nangingibabaw sa iyo ang inggit sa iba at sinamahan mo pa ng insecurity!...Kung baga dun sa sundae, ginawa mong toppings iyong inggit at insecurity!...."
    "Hmph!...Madali mo lang nasasabi iyan...Palibhasa kasi ikaw iyong laging napapansin at napupuri nina Mama at Papa....Eh ako?!...."

Bigla na lamang siyang tumayo sa kinauupuan niya. Tapos ay pumunta siya sa likuran ko at bigla akong binatukan........

    "Arrrgh!...."mahina kong sambit sabay hawak sa aking ulo....

Buti na lamang ay walang nakapansin sa ginawa niya, kung hindi ay nakakahiya. Samantala, bumalik na siya sa kanyang upuan......

    "Bat mo ko binatukan?!..."
    "Eh mukhang kulang pa iyang mga pasa na inilagay ni kuya Drey diyan sa pagmumukha mo...Para matauhan ka!...Alam mo kuya, imbis na nagpapakahirap kang ikumpara ko sa iyo...PATUNAYAN MO NA LANG IYANG SARILI MO!..."

Natigilan ako, pakiramdam ko kasi ay para kong binabato ng bato, sa bawat salitang lumalabas mula sa bibig niya...........
   
    "Nabanggit sa akin ni Mama ang lahat....Pati na iyong last chance na binigay sa iyo ng principal niyo...Magandang pagkakataon toh kuya...Ipakita mo kina Mama at papa na nagkamali sila ng tingin sa iyo...Ipakita mo sa kanila na may ibubuga ka rin!...Ayusin mo ang sarili mo!...."

Nakakabigla, hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang mga salitang ito, sa isang taong na mas bata pa kesa sa akin. At kay Hershey pa! Kaya...Kaya siguro ko tinatablan nang ganito. Sa kabilang banda, nakakatuwa din tignan ang nangyayari sa amin ngayon. Kung sino pa kasi iyong maliit, siya pa iyong nanenermon at umaasta na parang matanda. Kaya naman.............

    "Hmmp...Sino ba talaga sa atin ang kuya dito?...Ikaw o ako?...."nakangisi kong usisa.......

Natawa na lamang kaming pareho at.........

    "Haha...Kung gusto mo...Hangga't baliw-baliwan ka pa...Ako muna..."tumatawa  niyang sagot......
    "Hahaha...May pagkalokoloko rin pala ha..."
    "Syempre!...Mana-mana lang iyan noh...."
    "Ahaha...Sige na...Umorder ka na dun ng pagkain mo...Baka mamaya niyan maextend pa iyang sermon mo eh!..."napapakamot sa ulo kong sambit.....
    "Hehe..."

Inabutan ko siya ng pera, pagkatapos ay tumayo na siya at nagtungo sa may counter. Habang lumalakad siya ay sinundan ko siya ng tingin. Sa totoo lang, tama naman ang lahat ng mga sinabi niya. Masyadong nangibabaw sa akin ang inggit . At dahil sa inggit na iyon, lagi kong inilalayo ang sarili ko mula sa kanya. Pero sa mga nangyari ngayon sa amin at sa ginawa niya, tila gumaan bigla ang loob ko sa kanya.

Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanya. Matapos iyon ay bumalik na ko sa pagkain. Dun ko naalala ulit si Drey. Kaya naman napatingin ako ulit sa kanya. Mukhang okay na rin siya. At talaga namang enjoy na enjoy siya sa pagkain ng sundae. Ni hindi mo aakalain na may pinagdadaanan siya.

Mayamaya ay bigla siyang lumingon sa direksyon ko. Taena! Bigla kong kinabahan! Baka kasi kung anong isipin niya, kapag nahuli niya ko na pinagmamasdan siya. Buti na lamang ay agad din akong napaiwas ng tingin sa kanya. Tapos ay yumuko ako sa may mesa.

Napabuntong-hininga ko, paglipas ng ilang segundo ay muli kong inangat ang ulo ko. Dahan-dahan ay tumingin akong muli kay Drey. Agad kong napansin na parang may kakaiba sa kanya. Halos ilublob kasi niya ang kanyang pagmumukha dun sa cup ng sundae niya. Tapos hindi siya kumikilos. Bukod sa mga iyon, napansin ko rin na.......

    "Ba...Bakit siya namumula?..."pagtataka ko........

Potek! Nahuli nga ata niya ko. Dahil dun ay muling bumalik ang kaba ko. At para mas palalain pa ang sitwasyon..........

    "Si kuya Drey iyon ah!...Nandito rin pala siya...."

Napalingon na lamang ako nang marinig ko bigla ang boses ng kapatid ko. Hindi ko namalayan na nakakabalik na siya. Ni hindi ko napansin na nakatayo na pala siya sa tabi ko. Samantala, ngumisi siya sa akin na tila nang-aasar at.........

    "Nakita ko iyon kuya...AYEEE!!!...."sambit niya......
    "Ha?!..."paimpit kong usisa...
    "Sus!...Balak pang magdeny...Eh kitang-kita ng dalawang mga mata ko na sumisilay ka kay kuya Drey!...Ahihi...."

Sa ngisi pa lang niya, alam ko na kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Kaya naman..........

    "Gago!....Hindi ako tulad mo noh!..."

Nung minsan, nakita ko siya sa kwarto niya na may hawak na picture. Hinahalikan niya ito, naisip ko na picture siguro ng crush niya sa school. Gusto ko siyang asarin nun kaya hinablot ko. Pagtingin ko dito, laking gulat ko dahil batang lalake na naka soccer jersey, iyong nasa picture.

At dahil nahuli ko siya sa akto, napilitan siyang umamin sa akin. Bading pala ang mokong at iyong nasa picture ay bestfriend niya sa school na crush din niya. Tawa ko nang tawa sa kanya noon. Pero siya naman, takot na takot at halos lumuhod pa sa harapan ko sa pakikiusap na huwag sabihin kina Mama at Papa ang aking natuklasan. Kaya pinagbigyan ko na lang.

Kung tutuusin, parang ganun din ang nangyari ngayon. Iyon nga lang, siya naman ang nakatiyempo sa akin. Tsaka gaya ng sinabi ko, hindi ako bading na tulad niya. At mas lalo namang hindi ako magkakagusto sa mortal kong kaaway.........

    "Haha!...Hindi daw oh...."muli niyang pang-aasar.......
   
Ready na iyong order niya, kaya bumalik muna siya ulit sa may counter para kunin ito. Mas maigi siguro kung hindi na ko titingin ulit kay Drey. Para naman wala na siyang masabi. Tinuon ko na lamang ang aking atensyon sa sundae ko na medyo tunaw-tunaw na pala.

SA LABAS NG CHAIN..........

Pauwi na kami, tatawid kami ng kapatid ko sa kabilang side ng kalye para mag-abang ng masasakyan. Pang-asar lang dahil nakasabay pa namin si Drey. Hindi naman niya kami ginugulo at mukhang wala lang sa kanya na makasabay kami.  Pero ako, hindi ko pa rin mapigilan na sumimple ng tingin sa kanya.   Nakakaloko naman toh, bakit ba ganito ang epekto sa akin nung mga nakita ko kanina?.........

    “Kaasar!...Bat ba kasi kailangang makasabay ko pa ang mokong na toh?!....”inis kong bulong......
    “Asar daw oh...Pero panay naman ang silay niya....”biglang banat ni Hershey.....
    “Heh!...Manahimik ka nga...Pag ikaw lang narinig niyan!....”
    “Ahihihi!....”

Tumawid na nga kami at sinabihan ko na lamang si Hershey na bilisan namin para matapos na. Pagdating namin sa kabila, humiwalay na kami sa kanya. Pero bago pa man kami makalayo, bigla na lamang nagsalita si Drey.........

    “POTEK NAMAN!...Nasaan na iyong wallet ko?!....”malakas niyang sambit....

Napalingon kami sa kanya. Panay ang kapkap niya sa sarili niya, pero walang lumabas na wallet. Napatingin ako sa may kalsada, iyong wallet nalaglag pala dun. Nakita na niya rin ito at..........

    “Ayun!...”sambit niya.........

Dali-dali siyang lumakad para pulutin ito. Habang pinupulot niya ito, natanaw ko na may paparating na sasakyan!..........

    “DREYYYY!!!!....”hiyaw ko.......

ITUTULOY..........