Mike - Bong Bong


Hindi ito kwentong malibog na tungkol sa sex or kung ano man. Ito yung kwento ko na sa isang chapter ng buhay ko eh masasai kong extraordinary at hindi inaasahan.. at ito kwento ng dalawang lalaki na nagkakilala at nagmahalan. Ako nga pala si Mike. 19 years old, 5’11 and height, Moreno, at hindi naman sa pagmamayabang, marami, kahit saan ako pumunta may mga nagsasabi na kamukha ko raw si Enchong Dee. Straight naman talaga ako, nagkaron ako ng 3 na girlfriend at ayung last ko eh yung ka-batch ko sa school and we stayed really good friends. Nagaaral ako dito sa Manila at kumukuha ng kursong Architecture. Masaya ako sa buhay ko. enjoy ko ang course ko kasi yun ang dream ko na maging isang arkitekto. Parang typical life ng isang teenager. Papasok sa school, uuwi, magiinternet, gagawa ng plates, matutulog. Pero minsan naiisip ko nakakamiss din magkaroon ng girlfriend. Yung dadalhan ka sa room ng breakfast kasi alam niyang di ka nakapagalmusal. Yung tuturuan ka nya sa calculus kasi lagapak ka na, tsaka syempre yung may nagmamahal sayo. Pero buti nlng I’ve got good friends kaya napupunan naman nila iyon. Then sa span ng almost 2 years akong single, may mga lalaki rin na nagpaparamdam sa akin pero I never considered them, until now. Nagsimula ang story na ito this summer.
Dumating ang 2013. Sa buwan ng Abril. Kakauwi lang ng pamilya ko galing sa bakasyon sa El Nido. Sunday kami umuwi ng bahay nun. So derecho ako kwarto para magpahinga, mag-ayos ng gamit. Tapos inutusan ako na ako ni mama na maglipat na ng videos at pictures sa laptop, kasi papanuorin daw namin yung slideshow sa tv. So habang nagtatransfer naisipan kong mag facebook. As usual, tingin ng notif tas chat sa friends ko, tapos may inbox ako.
Tawagin na lang natin siya sa pangalang “Bong”.
“Hi.” Sabi niya.
“?” Reply ko.
“Musta?” Tanong niya.
“San moko nakita?” Tanong ko naman, isa lang kasi mutual friend namin.
Basta yan ang una naming paguusap. Hanggang sa tinapos ko sa,
“Matutulog nako, kakauwi ko lang e” Sabi ko
“Sige, ano ba ginawa nyo?” Tanong nya
“kakauwi ko lang galing Palawan”
“Ah ngayon? Kami din! Galing kaming bora, tapos papunta ako Paranaque ngayun” Sabi nya.
“K. ingat “ yang reply ko. Tapos nag-out na siya.
Una sa lahat, lahat kasi ng nagchachat sa akin, nirereplyan ko sa fb. Hindi ako yung nagiignore lang. kahit lalake, babae, bakla rereplyan ko kasi in the first place nag message siya sakin so nagaantay siya ng reply. Ganun naman dba? lol
Pero hindi talaga ako natulog. Pinuntahan ko yung wall nya. Nalaman ko, dancer siya sa isang TV network. Kagagaling lang din niya pala sa bakasyon sa bora. Dati siyang G-force. Tapos, fb fb lang ako. Kinagabihan, nasa Paranaque na si Bong. Chinat ulit niya ako. Pero pasensya nakalimutan ko na yung mga unang paguusap naming. Lumipas yung mga araw, nagpatuloy yung chat namin ni Bong.
Sobrang nakakatawa siya. Na ang lakasng sense of humor, kaya naeenjoy ko sya kausap. Hanggang sa napapadalas na, tapos hinahanap hanap ko na. Na-eexcite ako kada bukas ko ng facebook ko kasi iniisip ko palagi na may message siya sa akin. Hanggang sa after ilang weeks, hiningi niya number ko.Tapos ayun nagtetext kami. Lalo akong nalapit sa kanya. Sa mga kwento niya tsaka mga banat niya sa akin. Alam ko naman na kasi nung first few days na may gusto sa akin ito. Diba, bakit magpm ang isang lalaki sa kapwa lalaki ng total stranger? Basta, mejo may gaydar ako. Lol. So ayun, bigay bigay siya ng advice sa akin, tapos binabanatan ako, tpos sa isip ko, “ay alam na to” alam ko na, may gusto sakin to. Yung mga simpleng banat niya, napapatawa niya ako. Hanggang sa napunta na kami sa skype, chat kami hanggang madaling araw. Natutuwa ako,pinapasaya niya ako. Dumating yung mga oras na inaantay ko sya matapos sa taping, or rehearsal, kahit late na, para lang makausap sya.
Ewan ko ba, parang sa time na to, wala akong pakialam kung lalake siya basta masaya ako kausap siya. Naguguluhan ako syempre kasi bakit ganito. Nakikipagchat na ako sa kapwa ko, nakikipag usap. Pero wala na di ko na iniisip yan.
Hanggang sa dumating first date namin. Basta nagkita na kami.
Tuesday afternoon, napagkasunduan naming manuod ng Iron Man 3, Robinson’s Magnolia. Nauna akong nakarating.
“Sa starbucks lang ako mag-antay ha.” Sabi ko.
“Sige, nasa pila na ako ng taxi dito, pang 4 ako. Sorry kung matagal.” Reply ni Bong
“Okay lang nasa loob naman ako kaya malamig hehe” Reply ko.
“Ano suot mo?” sabi niya.
“Naka longsleeves ako na red at maong na shorts. Ikaw?” Sabi ko
“Naka gown ako! Wag moko ikakahiya ah! Hahahha.” Reply niya.
Bwisit na to sabi ko sa sarili ko. patawa siya talaga hanggang after 10 minutes dumating na siya. Malapit lang ang condo niya sa Magnolia kaya mabilis lang ang biyahe. Kaya ayun. He’s wearing a black v neck shirt, naka-cap, naka beah shorts, at naka shades. Tinanggal ko yung shades nya tas nakita ko eyes nya. Sobrang ganda, parang naka contacts na brown pero hinde. Parang mata ng shi tzu lol basta ang ganda ng eyes nya. After sa starbucks nag-yosi lang kami tas pumasok na, at bumili ng ticket. First date namin, first time kami nagmeet.. hindi ako sanay. Dalawang lalaki, manonood ng sine. Haha diba? Pero ako may idea. Hindi ako sumama sa tropa ko sa school kasi gusto ko siya kasama ko manood. Gusto ko itry. So ayun, bili kami ticket, tapos kain sa bonchon. Yosi yosi, tapos nanood na kami. After, pumunta kami ng gateway. Pero wala kami matripan kainan so sabi ko, “tara technohub na lang.” Nagtaxi narin kami, kasi na-stress sya sa mga bus sa farmers. Hindi sanay. Laking taxi kasi. Pawis na pawis sya nun, init na init, parang basta natatawa ako sa kanya nun. Parang kapag iniwan ko, iiyak sya sa sulok kasi hindi alam yung gagawin. Haha. Kaya sabi ko, “oi magtaxi na tayo. Pasensya na ha, di ka pala sanay sa ganito” sabi nya, “ui OA ka ha, mainit lang, tsaka natatakot ako sa mga bus, tayuan pa.” so ayun nagtaxi na kami. First time niya sa technohub. Nag army navy kami. Kitang kita sa mga mata niya, na hindi siya nag-enjoy sa kinainan namin. Hahaha hindi pala siya mahilig sa ganun. Hindi raw siya nabubusog, ang gusto nya, kanin. Ang nasabi ko na lang sa sarili ko nun “hindi ko pa talaga to kilala.” Sabay ngiti. Magkaharap kami nun sa table. Tinititigan ko lang siya. Ang ganda ng mata niya. Parang sa aso, sa shi tzu to be exact. Ganun mata niya, brown, malaki, na bilog. Basta para sakin, pag maganda ang mata, maganda lahat. After nun, tumambay muna kami sa may tabi ng Figaro, sa stair seats ba, nagyosi lang, tapos kwentuhan. Actually ako lang nagkwento, sya lang nakikinig. Nahihiya pa raw kasi. So hindi ko nmaan na pinilit. Ayun, kinuwento ko yung buhay ng isang architecture student. Sabi ko wala ng tulugan, wala ng kainan. Pati pagligo mo, pagsisisihan mo, kasi nga sayang oras. Nakwento ko yung sobrang nagwala ako sa sketchup plate ko, na hindi na gumagana, puro “not responding” kasi ipapasa na kinabukasan, tapos may pending plate ka pa sa Design. Wala natatawa lang siya sakin.. madami pa kaming pinagkwentuhan. Lumalim na ang gabi at napagdesisyunan naming umuwi na ng sinabi niya na,
“Tara, hatid kita.”
“Ha? Malayo bahay namin, tsaka di ako sanay.” Sabi ko.
“Sige na, wag ka ng maarte, hatid na kita.” Sabi ni Bong
Wala na akong nagawa, sinundan niya rin ako sa sakayan ng bus. Napa-wow lang ako sa loob ko kasi first time ko mahatid. Kasi usually ako naghahatid kaya bago talaga sa akin eto. Pero natuwa ako, umeffort haha.
After nun masyadong hindi na kami naiilang sa isa’t isa, hindi na ako nahihiya sa kanya masyado.

Second date namin, nagkita kami on a Sunday night and we watched Identity Thief sa Trinoma. It’s a Sunday, so kabado ako. Madami akong kakilala na lagi dun, weekend pa so may chance na Makita nila ako dun… tapos with him pa.. so mejo creepy. Nag coffee bean kami, habang inaantay namin yung last full show nung movie. Tapos sabi ko, tara basketball tayo sa timezone. Tapos nag tekken ako, sya nanood lang. hindi raw sya marunong.. pampalipas oras lang ba. Tapos after ko mag tekken, hindi ko sya mahanap. Inikot ko yung buong timezone, tas nakita ko sa dun sa may massage chair, pawis na pawis. Haha ang laki kasi nung massage chair nay un kaya hindi agad siya nakita. Gusto pa niyang mag videoke kaso sabi ko 10 minutes nlng magshowing na, so nanuod na kami ng movie. After ng movie, eto na yung isa sa mga hinding hindi ko makakalimutan. past 12:00am, madilim ang mall, wala ng katao tao. Sabi ko, “gusto mo kiss?” tahimik lang sya. Inaasar ko siya. Sabi ko “tara sa cr”. Natatawa ako, naeexcite, baka kasi bumigay. Sabi niya, “ano ka ba, wag” pero di naglaon, nagcr rin ako, sumunod naman siya. haha Nagkiss lang kami. Kasi ayaw nya talaga. So sabi ko okay lang. tinetest ko kumbaga. Hahaha. Sa labas ng trinoma, pag-gabi na, may mercato dun sa may tapat ng Caltex. So kumain muna kami dun ng inihaw na mais. Tas yosi tambay, tapos umuwi na kami. Hinatid ulit ako. pagka uwi ko, may text siya sa akin. At yun ang nagpabago ng nararamdaman ko sa kanya. Basta kinilig nlng ako bigla, tapos natuwa kasi ganyan siya, basta iiklian ko na lang:
“Bi, sorry kung hindi ko ginawa yung gusto mong gawin ko kanina sa cr. Ayoko kasi ng ginaganun ko yung taong mahal ko sa maling lugar. Malaki respect ko sayo, tsaka kung gagawin man natin yun, dapat sa tamang lugar para mapakita ko love ko sayo.”
Napamura na lng ako, putangina shit. Natuwa ako, kasi tinetest ko sya nung mga oras na yun, tapos ganun pala. Wala, narealize ko na hindi libog ang hanap niya, love. At napatunayan niya yun na seryoso siya sa akin. Gulong gulo ako nun kung ipu-pursue ko ba siya, o i-bubusted. Ang dami pa nyang text sa akin na karugtong niyan… so ayun inantay ko sya umuwi.. pagkauwi nya mga 2am, tinawagan ko siya. Mejo naiiyak ako na naguguluhan na kung ano ba itong pinasok ko? parang ganyan. Iniisip ko siya kung maging maging kami, ready ba ako. Ganun. Pero pinanindigan ko na. Kaya after ilang days, sabi ko, sige na sasagutin ko na siya, pag may nakita akong tibong babaeng nakajersey, at kung anong number sa jersey, yung yung date na sasagutin ko siya.
Nakalipas ang ilang linggo,nagtuloy- tuloy yung pagkikita namin. Dating na nga ang estado ng relationship naming. Kumakain kami sa ibat ibang kainan, nanood ng mga sine, nag-chill lang sa condo niya. Ayan. Ganyan lang kami. Masaya ako, masaya siya. Umeeffort siya, ginigising niya ako tuwing umaga, kahit magkalayo kami, sabay kami kakain. Tatawag siya sakin, at sasabihan niya ako na, “ui kakain na ako, kumain ka narin, sabay tayo ha..” yung mga ganyan ba, little efforts ba, pero anlaki ng impact sa akin.. tapos, nasabi naman niya sa akin na dati hindi siya sumasagot ng mga tawag, pero nung dumating ako, nagbago na raw siya. Dati, mainitin ang ulo nya, irritable, pero ngayon, masayahin na siya. Ang dami kong natutunan, napunta ako sa parang, bagong dimension ng buhay. Dati straight ako, pero eto ako ngayon. Bi na, bakla na nga ata. Inspirasyon ko na siya, lagi ko siyang naiisip. Hanggang isang araw, natulog na ako sa tabi nya. Sleepover sa Paranaque, sa isang condo niya. Pero before yun, nag starcity kami. Hindi pa raw kasi sya nakakapag star city, so ayun, nagulat naman ako. Kaya dun ko siya dinala. Umambon sandali pero nawala din. Nag horror house kami, takot na takot siya. Haha. Nakakatuwa lang, para akong nagpapasyal ng bata. Tapos nag ferris wheel kami. Mga kasabayan naming, mag bf-gf, tas kami, dalawang lalaki. Haha tapos nagkiss kami sa tuktok. Lol tapos ako natuwa, kasi dream ko yun, makiss ako ng love ko sa tuktok ng feriss wheel, at nangyari naman, kaya happy lang. after nun, nagdinner kami sa seaside. Nakalimutan ko na yung pangalan ng resto, pero basta kahit ang tagal ng serving nila, mga 1 hour ata, buti na lang, masarap yung lapu lapu nila. Hehehe yung yung pinapak namin. Parehas kaming mahilig sa seafood kaya di naming pinalampas yung isda. After nun eh ayun derecho Paranaque na. walang tao sa condo nila, so kaming dalawa lang, eleksyon kinabukasan, so free kaming dalawa, parang controlado talaga naming yung oras. So ayun, kain ng food, kwentuhan at nangyari na nga. Alam na yun, matik na. pero walang tirahan na nangyari. Parehas kaming virgin dun eh. Haha so sige napagsunduan naming na pag ready nlng ang isat isa kami maggaganun. Masaya ako, natulog ako katabi siya, magkayakap. Dati, pag yumayakap ako, ang lambot, kasi may boobs, ngayon ang tigas kasi sa chest. Hahaha Pero nawala din yung sayang iyon. 3am na kami natulog, tapos mga 6am gising na ako. Lecheng mga eroplano kasi, ayaw magpatulog. Ang iingay.. so bumangon na lang ako, nagyosi. Nagmuni muni, hanggang sa nagising sya at naisipan naming magalmusal na. since election yun, sarado mga tindahan sa malapit sa kanila, so nagjeep kami pa-edsa at nag-mcdo na lamang. Bumalik kami sa condo, at natulog ulit. Tapos nagising ako, tulog na tulog siya, tinopak ako. Dinila dilaan ko tenga niya. Hinipan hipan ko. Hinalikan ko yung leeg niya, basta sa mga part na yun ako ng focus. Nagising siya tapos umuungol. Hahaha tinuloy tuloy ko yun, hanggang sa nagjakol siya at nilabasan siya. Tama nga naman kasi, para sa akin, nakakalibog talaga yung sa tenga at leeg. Yun fetish ko. Siya rin pala.
After ilang hours, umalis na rin kami. Sa Fairview pa kasi ako uuwi nung araw na iyun. Kaya yun, mga 1:00pm, sabi ko, maaga pa, tara MOA muna. kumain sa subway, at nanood ulit ng sine. after nun, pumunta ako sa National, bibili kasi ako nung card, late mother’s day gift ko sa nanay ko. Pero hindi lang yun yung binili ko. Hihi. Hinatid niya ulit ako. Nakakatuwa lang na umeeffort siya kasi greenhills siya nakatira. Sa tuwing nagkikita kami, kahit anong oras, ayaw niya na hindi niya ako nahahatid. Hindi raw siya napapalagay, nagaalala raw siya. Eh ako, ganun din naman. Pero talo ako. Sige na, ako na yung hinahatid niya.
Gawa nung biyahe, gabi na ako nakauwi, derecho kwarto, hilata. Puyat, pagod. Kaya natulog ako. Tapos sakto paggising ko, kakauwi lang nya. Usap usap. Pero pinagpahinga ko narin agad kasi balik trabaho na siya.
Kinabukasan, May 14, 2013. Lol umaga palang, pinipilit ko siya na makipagkita sakin. Kahit gabing gabi, papatusin ko na. basta kailangan, magkita kaming dalawa. Buti na lang napilit ko siya, maaga pa oha. 9:00pm, nagkita kami, sabi ko sa technohub tayo. Umuulan nun, tapos ayun na nagkita kami. Umupo kami dun sa stairseats. Kung saan kami unang nagkakwentuhan sa personal. Espesyal sa akin yung gabi na yun, hindi ko pa nga nasasabi sa kanya ‘to, pero yung sign na hiningi ko, nabigay naman weeks before., 14 yung nasa jersey ng isang tibo, kaya nagdecide ako sabi ko, sige, sa 14 na. Yung binili ko sa National nun sa MOA, dalawang card. Isang card para sa mom ko, at isa para sa kanya. Dun ko sinulat lahat, parang diary ba. Yung mga importanteng araw sa aming dalawa. Ang corny ko, pero gabi gabi, nagsusulat ako sa notes ko sa iphone, parang diary. Tapos nilipat ko nlng sa papel.
Binigay ko sa kanya yun, tapos binasa niya. Kinakabahan ako, nakokornyhan ako sa sarili ko, pero wala e na-inlab ako sa kanya. Nagyosi ako sa mejo malayo tapos sabi ko tawagin nlng niya ako pag tapos na. then yun na, tinawag na niya ako, sabi ko, “oh ano gusto mo ba” sabi niya, “aayaw pa ba ako?” haha so ayun, sabi ko, “oh ano pano bayan, may boyfriend na ako.” Nginitian niya ako, sabay I love you Bi. Iloveyou too naman si dodong. Lol. Sabi ko, “boyfriend kita? May boyfriend ako?” haha tas inaasar ko nlng siya. Ang saya saya ng moment nay un, na form this moment, May boyfriend na ako. Sobrang special siya sa akin, kahit na sa facebook kami nagkakilala, nag-grow kami. Parang choice ko na rin. At syepmre destined ako na makilala siya. Then nag-aya siya mag coffee bean. Tambay kami, tapos usap usap. Masaya lang kami, kinikilig ako sa “I love you niya” at hindi parin ako makapaniwala na may boyfriend na ako. Haha tapos ayun, sabi ko, tara timezone, kanta tayo.. pagdating, nagulat ako, akala ko dancer lang ‘to, singer rin pala. Ang ganda ng boses niya, dami niyang kinanta. Sbrang kilig ko wlaa akong paki sa mga katabi na tumitingin sa amin. Tapos, kinantahan ko rin siya, na ultimate love-kilig song ko na “panalangin” tapos kumanta ulit siya ng love songs. Eh yung karaoke kasi sa timezone, may portion ng salamin so nakikita sa kabila, pero wala kaming pakialam. Ano ba sila para pagaksayahan naming ng oras diba? Pero yung hinding hindi ko talaga makakalimutan eh yun, kanta niyang, “Basta’t kasama kita” ang corny. Ang luma. Nakakainis, pero nakakakilig, nakakatuwa. Nakakainis ulit. Na-speechless ako, eh kasi naman enebe basta yen ne yen. Haha.
After nun, umuwi na kami. Hinatid niya ulit ako. First night, na may boyfriend ako. First boyfriend ko, eto. Basta alam ko na madami kaming pagdadaanan kasi lalo ako, hindi pa sanay pero keri yan. Masaya kami. Tapos nakauwi na siya, 9:00 am gising ko, kasi may pasok ako kinabukasan, kaya sabi ko, “bi gisingin moko” haha wala lang, naisip ko lang yan. Ayun, 6:00am, may tumatawag sa phone ko, ayun, syempre sinagot ko, tapos, ang narinig ko nalang, eh may kumakanta ng “maghihintay sa’yo.” Umagang umaga, pinapakilig ako ng taong to, laki ng ngiti ko abot batok. Gising na gising ako. Ang sweet ng alarm clock ko. haha.
After neto, madami nang nangyari. Napakilala niya ako sa co-dancers niya, nagde-date parin kami, kumakain sa kung saan saan. Hindi ko makakalimutan yung sinundo niya ako sa school ko, dun niya ako inantay sa coffee shop na malapit, tapos ako excited, pagpunta ko dun,ay putangina, yung ex-gf ko nandun din sa kabilang table. Haha syempre, dun ako umupo sa table ng ex ko, pero katext ko siya. Sabi ko dun nlng tayo magkita, sa labas. Haha di ako prepared eh. Haha pero wala, after ilang days kinausap ako ng ex ko, kung sino yung kasama ko nung araw na yun, wala, nakita pala ako. Eh since we remained good friends ng ex ko, umamin nako. Akala ko magagalit siya, pero ayun, tuwang tuwa. Haha
Haaay basta parang ang bilis nga ng pangyayari eh, isang buwan lang, kami na. ang dami ng nangyari pero marami pang darating, at nagpromise kami sa isa’t isa na gagawa kami ng memories na worth remembering. Chill lang ang relationship namin, confident kami sa isa’t isa na kahit hindi kami magkasama at magkita ng matagal at palagi, walang magloloko sa amin. Ngayon, estudyante pa lang ako, kaya sabi ko, pagka graduate ko, madami pang mangyayari samin tsaka mas madami pa kaming oras na gugugulin sa isa’t isa pag independent na ako. Pero who knows diba? Ang mahalaga, may trust kami sa isa’t sia, at nagmamahalan kaming dalawa. Oo nga, masyadong mabilis para sa iba, pero kahit na, napatuanyan naman na siya akin yung intension niya. Pagmamahal ang intension niya, hindi puro libog lang. Dati, ako yung gumagawa nito sa babae, ngayon, para na akong babae sa mga pinaggagawa niya sa akin. Haha pero sabi ko, parehas tayong lalaki dito. Walang babae, kaya umarte ng naaayon sa kasarian. Nagdaan yung mga linggo, araw, masaya kami. Pero syempre, hindi maiiwasan na magkatampuhan. Sa schedule niya, oras talaga yung problema. Pero nagegets ko naman na yung schedule niya. Naiintindihan ko naman na siya ng husto. Pero may mga oras syempre, na sabik ako sa kanya, yung namimiss mo, pero hindi pwede, nasa rehearsal kasi, nasa meeting, nasa taping. Nagkaron na kami ng grabeng away. Pero sa amin na lang iyon. hehe Pero ang mahalaga, kahit na napapalibutan kami ng mapanghusgang tao, ang importante, masaya kami sa isa’t isa. Pinili namin to, pinili ko ‘to. Pinili kong mahalin siya. Totoo nga, walang pinipili ang pagmamahal. This is one of a special relationship, kaya we’ll make it last until we could.  Hanggang dito na lang. at eto ang love story namin. Itutuloy.