Chaster Rassel - Sundae Part 2


Flavor 2: That Awkward Moment

Buti na lamang ay agad ko siyang nagawang yapusin at hilain, pabalik sa gilid. Kaya hindi siya nahagip nito. Kasunod noon ay tumumba kaming pareho. At nahuli ko na lamang ang sarili ko na nasa ibabaw na niya.........
   
“Ano bang pinaggagagawa mo?!...May balak ka bang magpakamatay?!...Sa susunod, huwag kang tatanga-tanga!!!..."bwiset kong sambit......

Hindi siya sumagot at nakatitig lamang ang nanlalaki niyang mga mata sa akin. Samantala, lumapit sa amin ang kapatid ko at tinulungan akong makatayo........

    “Okay ka ba kuya?....”usisa niya habang inaalalayan ako.......
    “Okay lang...Kaya pa....”

Nang makatayo na ko, inabot ko ang kamay ko kay Drey. Para siya naman ang matulungan ko. Pero hinawi niya ito at..........

    “Kaya ko na!...”sambit niya na tila galit pa......

Tumayo nga siyang mag-isa. Pagkatapos ay inayos niya ang pagkakasuot ng salamin niya.......

    “Hmph!...Abnormal ka talaga eh noh...Tinutulungan ka na nga, galit ka pa!....”   

Hindi na siya nagsalita, sa halip ay pinagbibibitbit na niya iyong magamit niya........

    “Aalis na ko...”sambit niya......
    “Oi teka!...”

At lumakad na nga siya...........
   
"Tignan mo itong hinayupak na toh...Hindi man lang nagpasalamat...YOU'RE WELCOME HA!!!..."inis at malakas kong sambit habang sinusundan siya ng tingin sa kanyang paglakad......

Para siyang walang narinig, ni hindi man lang lumingon. Hanggang sa nakaalis na nga siya. Matapos iyon ay napakamot na lamang ako sa aking ulo.  Samantala, ito namang mokong na nasa tabi ko........

“Ahihi...Nag-aalala ka sa kanya noh?...”

Lumingon ako sa kanya. Nakangisi siya sa akin na hindi maintindihan. Nang-aasar naman........

"Ano na naman ba iyang pinagsasasabi mo?!...At bakit naman ako mag-aalala?!...Hmph!...Wala akong pakialam sa kumag na iyon noh!..."iyon na lamang ang nasambit ko......
    “Weh!...Talaga wala kang pakialam?....Eh katatapos mo nga lang iligtas iyong buhay niya eh!....”

Natigilan ako sa mga sinabi niyang iyon. Dahil ang totoo, natakot ako. Natakot ako nung makita ko na masasagasaan si Drey. Kaya hindi ako nagdalawang-isip na iligtas siya. Ang hindi ko lang magets ay kung bakit. Bakit ganun ang naramdaman ko, kahit na inis na inis ako sa kanya?.......
   
    “Hahaha....Natameme oh!...Ayaw pa kasing magsabi ng totoo eh...Alam mo kuya Hagen, kinikilig ako sa inyo...Siguro...Mag-asawa kayo ni kuya Drey sa past life niyo noh?...Ahihi...”

Natauhan ako dahil sa narinig ko. Loko kong bata toh ah! Nakakapikon na! Sa bwiset ko, inakbayan ko siya na may kasamang panggigigil at..........

    “Hmph!...Past life ba ka mo?...Eh kung gawin ko kayang past iyang life mo?!...”bwiset kong sambit......
"Kuya naman...Di ba peace na tayo?...Peace!..."sagot niya na may kasama pang pagpeace sign....

Peace daw, pero tuloy pa rin ang pagngisi niya. Kaya naman mas lalo tuloy akong nairita sa kanya. 

PAG-UWI SA BAHAY..........

Medyo late na nang makauwi kami. Pagpasok namin ay naghihintay sa amin si Mama. Pero di gaya kanina, kalmado na siya ngayon. Hindi rin siya nagalit na ngayon lang kami dumating. Nilapitan siya ni Hershey...........

    "Ma...I think magiging okay na po ang lahat...."

Tumingin sa akin si Mama at.........

    "Hmph...Sana nga...."sambit niya......

Lumingon siya ulit kay Hershey at......

    "Sige na...Umakyat na kayo sa mga kwarto niyo....Para makapagpahinga na kayo..."

Nagtungo na nga kami sa kani-kaniya naming kwarto. Pasado alas dose na, pero hindi pa rin ako makatulog, napapaisip kasi ako. Naging napakahaba ng araw na toh at ang dami nangyari. May maganda at meron ding hindi. Tapos idagdag pa iyong malupet na sermon sa akin ng bunso kong kapatid.

Sa bandang huli, iisang bagay lang naman ang ipinapahiwatig ng mga ito sa akin. Iyon ay walang iba kung di ang pagbabago. Pero naguguluhan pa ko, ni hindi ko nga alam kung kailangan ko ba talaga toh. At kung sakali man, ano ba ang dapat kong gawin? Saan ba ko dapat magsimula?

Mayamaya ay nagpasiya ko na bumangon na lang muna. Naupo ako sa may tapat ng study table ko. Napatingin ako sa school bag ko na nakapatong dito. Kinuha ko ito at binuksan. Inalabas ko iyong ilang libro at notebook ko mula dito at inilapag ang mga toh sa mesa. Ipinatong ko ang isa kong kamay sa notebook na nasa pinakaibabaw at........

    "Wala naman sigurong mawawala sa akin...Kung susubukan ko..."bulong ko sa aking sarili.........

MAKALIPAS ANG PITONG ARAW..........

Matapos ang gabing iyon, madalas ay nahuhuli ko na lamang ang sarili ko na nagrereview ng mga lessons namin at nag-aadvanced reading. Naging busy ako kahit na hindi ako pumapasok. Ni hindi ko namalayan ang paglipas na mga araw. Hanggang sa natapos na ang suspension ko at dumating ang araw ng aking pagbabalik-eskwela.

Umaga, nasa kwarto ko at nakatayo sa may tapat ng salamin habang naghahanda sa muli kong pagpasok. Suot ko na iyong pang-ibaba kong school uniform na slacks. At as usual, nakasando lang ako sa pang-itaas. Aayusin ko na dapat ang buhok ko, pero nang damputin at tignan ko iyong container ng gel ko, wala na pala itong laman........

     "Ang malas naman oh..." bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan iyong container....

Ang nakakainis pa dun, maaga pa kaya sarado pa iyong pinagbibilhan ko nito. Itinapon ko na sa basurahan iyong container, tapos ay napatingin lamang ako sa sarili ko sa salamin. Pinagmasdan ko ang itsura ko ngayon na nakabagsak ang buhok. Naiilang ako, pero wala naman na kong choice kung di ang pumasok nang ganito.

Napakamot na lamang ako sa aking ulo habang patuloy na tinitignan ang aking sarili. Ilang saglit lang, mula sa salamin ay natanaw ko iyong polo shirt ko na nakahanger sa knob ng aparador. Ewan ko kung anong pumasok sa akin, pero nagpasiya ko na isuot na lamang iyon.

SA SCHOOL..........

Sa kauna-unahang pagkakataon, pumasok nga ako nang nakasuot ng kumpletong uniporme at nang hindi nakatayo ang aking buhok. Papasok na  dapat ako ng classroom namin, nang makasalubong ko ang isa pang tao na nagbabalik eskwela rin ngayon, si Drey.

Napahinto kaming pareho sa paglalakad tapos ay napatingin na lamang kami sa isa't isa. Halos matulala ako, nabigla kasi ko dahil nag-iba rin ang itsura niya. Nakasuot siya ng school uniform namin, tapos nakabrush up iyong buhok niya. Ang linis at disente niyang tignan. Kung tutuusin, okay naman pala sa kanya toh at mas bumagay pa dito iyong makapal na salamin na laging niyang suot.

Habang patuloy ko siyang pinagmamasdan, hindi ko napigilan na unti-unting mapangiti. Pero pagngiti ko, tila natauhan siya dahil bigla siyang umiwas nang tingin sa akin at...........

    "Huwag mo nga kong ngitian nang ganyan!...Nakakairita eh!...Hmph!... "tila bwisit niyang sambit...........

Pagkasabi niya nun ay agad na siyang pumasok sa classroom. Ako naman ay sumunod na meron pa ring di mawaring ngiti sa aking mga labi. Pagpasok namin, lahat ng mga kaklase namin ay nasa aming dalawa ang mga mata.

Talagang sinundan kami nang titig, hanggang sa makaupo kami sa kani-kaniya naming silya. May iba pa na napansin kong nagbubulungan. Hindi ko alam kung ang reaksyon ba nila ay dahil sa iba ang itsura namin ngayon o dahil sa nagbalik na ang dalawang terror student ng school.

Kababalik ko pa nga lang ng klase at first period pa lang namin. Pero isang surprise quiz agad ang bumulaga sa akin. Ang nakakatuwa, hindi ako nahirapan sa pagsagot. Kaya mataas ang nakuha kong score. Marahil, ito ang bunga nung ginawa kong pag-aaral, nung suspended pa ko.

At may isa pang nangyari na mas sumurpresa sa akin. Si Drey, mataas din ang nakuha niya sa quiz. Sa lahat ng iyon, maging ang subject teacher namin ay nabigla at hindi rin makapaniwala.  Na nagawa naming makasabay sa mga kaklase namin kahit na matagal kaming nawala. Kaming dalawa na dati ay walang paki sa score at laging nangungulelat.

PAGDATING NG LUNCH BREAK..........

Nasa washroom ako at naghuhugas ng kamay sa may lababo. Habang naghuhugas ako, bigla na lamang akong nakarinig ng hagikgik. Isang hagikgik na ang tunog ay si Drey lamang ang alam kong nakakagawa. Kaya naman huminto ko at lumingon.  Humagikgik siya ulit, dun ko na nalaman na nasa loob siya ng isa sa mga cubicle........

    "Hmph!...Parang kang gago diyan...May patago-tago ka pa...Eh kilala ko naman iyang tawa mo...Huwag kang duwag!...LUMABAS KA DIYAN!!..."inis kong sambit....

Lumakas ang paghagikgik niya, pero kasabay noon ay bumukas ang pinto nung dulong cubicle. Lumabas siya mula dun at lumapit sa akin......

     "Ano bang nakakatawa?!...Ha?!..."
     "Wala naman...Hindi lang kasi ko makapaniwala...Na finally, napasunod ka na ni Mommy...Na ang isang Hagen Dasuero pala ay nababahag din ang buntot!...Ahahaha!....."
    "Uy!...How nice naman!...Nang-aasar na siya ulit...Back to war mode ka na ba?...Tapos na ba ang tantrums ng iyakin na panerd?!..."
   
Matapos kong sabihin iyon ay biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. Naging siryoso siya tapos ay hindi siya nakakibo.........
   
"Oh...Natahimik ka ata...Hindi ba't tama naman ako na iyakin ka?...Umiiyak ka nga nung nasa chain tayo eh!...Hmmm...Bakit kaya?...Dahil ba...Pinalayas ka sa inyo?....O baka nam....."

Hindi ko nagawang tapusin ang sinasabi ko. Dahil bigla niya kong hinila sa kwelyo ng aking uniporme. Tapos ay tinitigan niya ko nang masama sa aking mga mata. Habang nakatitig siya sa akin, napansin ko na mamasa-masa ang mga mata niya...........

    "Sinasabi ko na nga ba eh....Pinagmamasdan mo ko noon...All the time!....Bakit?!....Ha?!..."

Sa isang iglap, nabaliktad ang sitwasyon namin. Ako naman ang hindi makasagot sa kanya. Bigla kasi kong nakaramdam ng kaba sa tanong niya. Bakit ba kasi inungat-ungkat ko pa iyong mga nakita ko noon?!...........

    "Ano Hagen?!....Magsalita ka!...."

Hindi pa rin ako makapagsalita, sa halip ay napalunok na lamang ako. Sa kalagitnaan noon, nakarinig kami ng mga ingay. Parang may mga paparating at papasok dito sa washroom. Nanlaki ang mga mata niya, pagkatapos ay bigla niya kong hinila papasok sa cubicle na pinagtaguan niya kanina.

Pagpasok na pagpasok namin sa loob, saktong lumakas iyong mga ingay. Talaga ngang may mga dumating na tao. Samantala, isinandal niya ko sa may dingding. Habang siya naman ay napadantay ng kamay dito. Taena! Masyadong napadikit iyong katawan niya sa akin. Tapos iyong pagmumukha niya, sobrang lapit sa mukha ko. At hindi toh napansin ng mokong dahil sa may pinto siya nakatingin.

Sa ayos naming toh, parang isang maling galaw lang, may mangyayari na hindi naman dapat.........
   
    "Ah  Drey..."paimpit kong sambit....
    "Shhh!...Huwag kang maingay!...."pabulong niyang pagpigil sa pagsasalita ko.......

Nakatingin pa rin siya sa pinto at pinakikinggan niya kung nandiyan pa iyong mga tao. Ako naman ay hindi na nakaimik. Madalas naman talaga ay  nagdidikit ang mga katawan namin, kapag nag-uupakan kami. At bale wala lang sa akin kapag nangyayari iyon.

Pero bakit ngayon iba ang nararamdaman ko sa kanya? Habang nakadikit siya sa akin at nadarama ko iyong init na nagmumula sa kanya, bumibilis iyong pintig ng puso ko. Tapos...Tapos parang nanlalambot ang buong katawan ko. Bakit ganun?

Napatitig na lamang ako sa kanya. Mayamaya pa ay unti-unti nang tumahimik ang paligid...........

    "Wala na siguro sila...."sambit niya....

Lumingon na siya akin. Nang makita niya ang itsura namin, biglang nanlaki ang mga mata niya at namula ang mga pisngi niya. Kasunod noon ay bigla siyang napaatras mula sa akin........

    "So...Sorry!..."gulat niyang sambit.......

Dali-dali niyang binuksan ang pinto. Nauna na siyang lumabas ng cubicle at sumunod naman ako. Pagkatapos.......

    "Hoy!...GAGO KA AH!!...Bakit bigla-bigla ka na lang nanghihila?!....."inis kong usisa.......
    "Tanga ka ba?!...O nagtatanga-tangahan ka lang?!...Kung nakita tayo nung mga iyon na nag-aaway dito, tiyak na makakarating kay Mommy!...TAPOS ANG MALILIGAYANG ARAW NATIN!..."

Naintindihan ko siya at may punto naman ang mga sinabi niya. Kaya nga lang..........

    "Pero kailangan bang!..."
    "Hep!..."

Sa pangalawang pagkakataon, pinigilan na naman niya ang pagsasalita ko.......

    "Huwag mo nang tapusin iyang sentence na iyan!...Alam ko iyang tumatakbo sa utak mo....Hindi ko sinasadiya ung kanina sa cubicle....Na...Nataranta lang ako...Kaya...Kaya sorry ulit..."

Matapos niyang sabihin ang mga iyon, napansin ko na nagsimula na naman siyang mamula. Tapos ay napaiwas na lamang siya ng tingin mula sa akin. Kahit ako eh, hindi ko rin magawang tumingin sa kanya nang tuwid, kaya napakamot na lamang tuloy ako sa aking ulo........ 

    "Ahmmm....Sige...Mauuna na ko sa iyo...."sambit niya....

Tumalikod na siya, nakakailang hakbang pala siya, nang bigla siyang huminto at.......
   
"Siya nga pala Hagen...”

Lumingon siya ulit sa akin.......

“Salamat....Salamat sa paglitas sa akin...Utang ko sa iyo ang buhay ko...At tsaka....Mas...Mas bagay sa iyo iyang ayos ng buhok mo ngayon....Gus...Gusto ko iyan...."sambit niya na medyo napapangiti pa....

Pagkasabi niya noon, agad na siyang umalis. Ako naman ay naiwan nang nakatulala nang dahil sa pagkabigla. Pagkabigla, dahil narinig ko siyang nagpasalamat sa akin. Tapos, pinuri pa niya ang buhok ko. At ilang saglit pa ay napangiti na lamang din ako.

PAGLIPAS NG ILANG ARAW, SA SCHOOL..........

Iba ang naging epekto sa akin nung mga sinabi ni Drey noon, lalo na iyong tungkol sa buhok ko. At mula nga noon, hindi na ko gumagamit ng gel. Lagi nang nakabagsak ang buhok ko.

Samantala, binigyan kami ng project sa English. Pipili kami ng isang kaklase na magiging kapareha namin, tapos ay gagawa kami ng isang book report. Malaki daw ang magiging porsyento nito sa grade namin. Tamang-tama, maganda ang pagkakataon na toh para sa akin.

Pagdating ng uwian namin, sinubukan kong kausapin isa-isa ang mga kaklase ko. Pero ni isa sa kanila, walang may gusto na makapareha ko. Kesyo di daw nila gusto ang ugali ko, iyong iba naman ayaw madamay sa problema ko sa graduation.

Matapos ang lahat ng iyon, nakaramdam ako ng pagod. Nagpasiya ko na maupo na muna sa isang bench na nasa hallway ng school. Pagkaupo ko, napatingala na lamang ako sa kisame habang nag-iisip sa kung ano na ang gagawin ko. Mayamaya, naramdaman ko na parang may umupo aking tabi.......... 

    "ARRRGH!...Bwiset na buhay toh!...BADTRIP!!!..."

Dahil sa sigaw na iyon, nalaman ko na si Drey pala iyon. Napalingon ako sa kanya. At ilang saglit lang ay napalingon din siya sa akin.......
 
    "Ha...Hagen...Nandiyan ka pala..."
    "Huhulaan ko iyang ineemote mo....Walang may gustong makapareha ka sa book report?..."

Tumango lamang siya sa akin, pagkatapos ay yumuko siya.........

    "Hmph...Tignan mo nga naman...Pareho pa tayo...."
    "Tama ka...Pinalayas ako ni Mommy..."bigla niyang sambit...

Tila nag-iba iyong boses niya habang sinasabi iyon, para bang naiiyak na naman siya. Kaya natigilan ako.......

    "Nung araw na iyon...Pagdating sa bahay...Grabe ang naging away namin...Itinakwil na niya ko Hagen..."

Nabigla ako sa aking narinig. Ni hindi kami magkaibigang dalawa, pero sa totoo lang, naapektuhan ako sa kanya. Hindi ko maintindihan kung bakit.........

    "Sabi niya...Wala daw akong kwentang anak...Wala kong kwentang tao!....Kaya mabuti pa na mawala na lang ako sa buhay niya...."

Inangat niya ang ulo niya at tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko ang naiipong luha sa kanyang mga mata. Tapos para siyang napapangiti na hindi........

    "Pero alam mo nakakatawa...Dahil kahit kailan naman talaga, hindi niya pinaramdam sa akin na anak niya ko...Eh mas binibigyang oras at halaga pa nga niya itong school kaysa sa akin eh...Parang gago di ba?..."
    "Kaya ba...Kaya ba nagrerebelde ka?..."
    "Oo...Pero nagkamali ako...Lalo lang kasi lumala ang lahat dahil sa pinaggagawa ko...Kaya nga ngayon sinusubukan ko nang ayusin ang sarili ko eh...Gusto kong mabawi ang tiwala at pagtingin sa akin ni Mommy...Pero paano ko naman magagawa iyon kung ganito ang nangyayari sa akin?!...Kung sa isang simpleng book report pa lang, naoolats na ko!...Alam mo iyon?...BADTRIP EH!....."

Nauunawaan ko ang mga sinasabi at nararamdaman niya. Dahil kung tutuusin, pareho lang naman kami ng pinagdadaanan. Pero...Pero ayaw kong makita ulit na umiiyak siya. Kaya naman.........

    "Hmph!...Alam mo Drey...PARA KANG TANGA!...As if naman may mababago kung aatungal ka diyan!...."

Natigilan siya at napatitig lamang siya sa akin.......

    "Ako din naman may issues ako sa Mama ko....At gaya mo, gusto ko na ring ayusin ang sarili ko at gusto ko rin na magkaayos kami...Kaya mahalaga din sa akin ang book report na toh...In short, halos pareho lang tayo ng sitwasyon ngayon....Pero sa kabila nito, hindi ako ngumawa nang ganyan!...Dahil alam ko na dapat maging matibay ako para malampasan toh...Dapat ganun ka rin!...Sa ikinikilos mong iyan, parang hindi na ikaw iyong nakilala kong Drey Ernuella na matapang at hindi umuurong sa laban eh!...”
    “Teka...Ano naman ngayon sa iyo kung umiyak ako dito?!...Ano bang pakialam mo?! Ha?!....”

Napaiwas ako ng tingin sa kanya, sa tanong niyang iyon at.........

    “Ewan...Siguro...Siguro hindi lang ako sanay na ganyan ka....Kahit naman kasi sabihin kong peste ka sa buhay ko...Hindi pa rin ata mabubuo ang araw ko nang wala ang pangbwibwiset mo...At nang di ko nakikita iyang nakakainis mong pagmumukha....”
    “Ha...Hagen.....”

Hindi ko alam kung bakit, pero lumabas na lamang basta ang mga salitang iyon mula sa bibig ko. Tumingin na ko muli sa kanya. Nakatulala ang mokong sa akin. Hmph! Hindi ko gusto iyong dating ng titig niya, nakakaasiwa. Kaya naman naisipan ko na.......

    “EHEM!!!...”

Tila natauhan na siya......   

“Tsaka isa pa pala...ANG PANGIT MONG UMIYAK! MUKHA KANG BULLDOG!!!...."

Pagkasabi ko noon ay bigla na lamang siyang tumawa. Kaya tuloy nagsabay ang pagtulo ng luha niya at halakhak niya......

    "Hahaha!....Gago ka ha!....Sa cute kong toh...Tatawagin mo kong bulldog?..."
    "Hmph!...Bat di mo kaya subukang tignan iyang sarili mo ngayon sa salamin?..."
    "Ahaha!...."

Panay pa rin ang tawa niya. Pero sa totoo lang, sinadiya ko talagang sabihin iyon para patawanin siya. Nang sa ganun, mabawasan iyong dinadala niya kahit paano........

    "Ayos ah!...Minsan pala may lumalabas din diyan sa bibig mo na may sense...Hehehe...."natatawa pa rin niyang sambit.....

Inalis niya muna iyong salamin niya. Pinahiran niya ang kanyang mga luha, tapos ay sinuot niya rin agad ito. Sa puntong iyon, matapos kong makita na tumatawa na siya, nakaramdam din ako ng paggaan sa aking kalooban. Ang weird at hindi ko ito nagugustuhan, kaya nagpasiya ko na tumayo na sa kinauupuan ko at..........

    "Hay...Kanina umiiyak, ngayon naman tumatawa....Bahala ka na nga diyan!..."kunyaring inis kong sambit sabay alis na.......

Nang makalayo ako sa kanya, tumakbo ako agad papalabas ng school. Paglabas ko ng gate, napahinto ako sa hingal. Nang makabawi ako ng hininga.......

    "At least...Naging okay ka na..."bulong ko sa aking sarili....

Kasunod noon ay napangiti na lamang ako. Nang biglang..........

    "HAGEN!...Sandali lang!..."

Nagulat ako, sinundan pala ko ng mokong. Napalingon ako at siya naman ay agad na lumapit sa akin.......
   
    "Ano ba?!..."usisa ko....
    "Naisip ko lang kasi...Paano kaya kung...Kung tayo na lang ang maging partners?..."

Tama ba ang narinig ko? Gusto niya kong maging partner?!.......    


ITUTULOY..........